Miss Saigon

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang Miss Saigon ay isang pagtatanghal na may tugtugin o teatrong musikal nina Claude-Michel Schönberg at Alain Boublil sa tanghalang West End (teatrong West End), na may mga liriko nina Boublil at Richard Maltby, Jr. Isa itong makabagong adaptasyon ng operang Madama Butterfly (Madame Butterfly) ni Giacomo Puccini, na katulad na naglalahad ng trahikong salaysay ng isang walang patutunguhang pag-iibigan at romansang kinasasangkutan ng isang babaeng Asyanong nilisan ng kanyang Amerikanong mangingibig. Inilipat ang tagpuan ng takbo ng kuwento sa Saigon ng dekada ng 1970 noong panahon ng Digmaan sa Biyetnam, at napalitan ang magkasintahang Amerikanong Tenyente at geishang Hapones ng pagmamahalan ng isang Amerikanong kawal ng hukbong katihan (isang GI) at ng isang babaeng Biyetnames na naghahanapbuhay sa isang bar.

Unang ipinalabas ito sa Tanghalang Royal, Eskinitang Drury, sa Londres noong Setyembre 20, 1989, na nagsara pagkaraan ng 4,264 na mga pagtatanghal noong Oktubre 30, 1999. Nagbukas ito sa Tanghalan ng Broadway sa Lungsod ng Bagong York noong 1991. Sumunod na nagbukas din ito sa marami bang ibang mga lungsod at mga paglalakbay.

Kinakatawan ng musikal na ito ang pangalawang pangunahing tagumpay nina Schönberg at Boublil, pagkaraan ng Les Misérables noong 1980. Magmula Abril 2009, ang Miss Saigon pa rin ang ika-10 pinakamatagal na tumatakbong musikal sa Broadway sa kasaysayan ng musikal na pagtatanghal.[1]

Mga sanggunian[baguhin]

  1. Hernandez, Ernio (2008-05-28). "Long Runs on Broadway". Celebrity Buzz: Insider Info. Playbill, Inc.. http://www.playbill.com/celebritybuzz/article/75222.html. Hinango noong 2008-06-22. 


SiningEstados Unidos Ang lathalaing ito na tungkol sa Sining at Estados Unidos ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.