Mitolohiyang Romano

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Romulus at Remus, Lupercal, Amang Tiber, at Palatine sa isang relief mula sa isang pedestal na mula pa sa pamumuno ni Trajan (98–117 CE)

Ang Mitolohiyang Romano ang katawan ng mga kuwentong tradisyonal na nauukol sa mga maalamat na pinagmulan ng Sinaunang Roma at paniniwalang panrelihiyon ng mga Sinaunang Romano. Ang mga kuwentong ito ay itinuring ng mga Sinaunang Romano na nangyari sa kasaysayan kahit naglalaman ng mga elementong mahimala at supernatural. Ang mga kuwento ay kadalasang nauukol sa politika at moralidad na naayon sa batas ng kanilang mga Diyos. Ang kabayanihan ay isang mahalagang tema sa mga kuwentong Romano. Kapag ang nagbibigay linaw sa mga kasanayang panrelihiyon ng mga Sinaunang Romano, ang mga kuwento ay nauukol sa ritwal at mga institusyon sa halip na teolohiya o kosmogoniya. Ang mga pangunahing sanggunian ng mitolohiyang Romano ang Aenid ni Virgil, kasaysayan ni Livy, Fasti ni Ovid, isang anim na tulang nakaistruktura sa kalendaryong relihiyoso ng mga Romano at ikaapat na aklat ng mga elehiya ni Propertius. Ang mga mitolohiyang Romano ay lumitaw rin sa mga dibuhong nasa pader sa Roma, mga baryang Romano at mga iskultura partikular sa mga relief.

Mga mitong Romano[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang isa sa pinakakilala sa mga mitong Romano ang pagkakatatag ng Roma ng kambal na sina Romulus at Remus na anak ng Diyos ng Digmaan na si Marte (Mars) at birheng si Rhea Silvia. Ang kambal ay pinaniniwalaang ipinanganak noong 771 BCE. Ang kuwentong ito ay pinagkasundo sa kuwentong nauukol sa ninuno nina Romulus at Remus na prinsipe ng Troya na si Aeneas ng anak ng Diyosang si Venus (ang ina ng mga Romano) at prinsipe Anchises na lumikas tungo sa Italya at nagtatag ng liping Romano sa pamamagitan ng kanyang anak na si Ascanius na nagpuno sa puwang na 400 taon pagitan ng pagtira ni Aeneas sa Italya at pagkakatatag ng Roma noong mga 753 BCE nina Romulus at Remus. Ang pamilya ni Julio Cesar at ni Cesar Augusto ay nag-angking inapo ni Aeneas. Kabilang din sa mga mitong Romano ang panggagahasa sa mga babaeng Sabino na nagsasalaysay ng pagkakabuo ng kulturang Romano, kuwento ng hari ng Roma na si Numa Pompilius na ahente ng mga Diyos at nagtatag ng mga institusyong pambatas at panrelihiyon ng Roma, kuwento ni Servius Tullius na kasintahan ng Diyosang si Fortuna, ang Batong Tarpeian kung bakit ito ginamit para patayin ang mga taksil sa Roma, kuwento ni Lucretia na ang pag-alay ng kanyang sarili ang nagtulak sa pagpapabagsak ng maagang monarkiyang Romano at pagkakatatag ng Republika, ang kuwento ni Horatius Cocles, kuwento ni Mucius Scaevola, kuwento ni Caeculus at pagkakatatag ng Praeneste.[1], kuwento ni Manlius at ang gansa na nauukol sa pamamagitan ng Diyos sa Paglusob na Gallic sa Roma, kuwento ng mga pistang Nonae Caprotinae at Poplifugia, kuwento ni Coriolanus na nauukol sa politika at moralidad, kuwento ng siyudad ng Corythus bilang duyan ng kabihasnang Troyano at Italyano, at pagdating ng Dakilang Inang Cybele sa Roma.

Mga Diyos[baguhin | baguhin ang batayan]

Itinuring ng mga Sinaunang Romano ang kanilang mga sarili na napaka-relihiyoso. Kanilang itinuro ang kanilang mga tagumpay bilang isang pandaigdigang kapangyarihan sa kanilang kabanalan sa pagpapanatili ng mabuting mga ugnayan sa kanilang mga Diyos. Ayon sa mitong Romano, ang mga institusyong panrelihiyon ng mga Sinaunang Romano ay itinatag ni Numa Pompilius na ikalawang hari ng Roma na tuwirang nakipagtalastasan at tinuruan ng mga Diyos.

Silipin din[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. J.N. Bremmer and N.M. Horsfall, Roman Myth and Mythography (University of London Institute of Classical Studies, 1987), pp. 49–62.