Monang Carvajal

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Si Monang Carvajal ay isang artistang Filipino at unang gumanap sa mga Silent Movie. Kilala rin siya bilang Patrocinio Carvajal o Patring Carvajal.

Siya ay isinilang noong 1909 sa Maynila at nakatatandang kapatid ng LVN Star na si Alfonso Carvajal.

Siya rin ay lola ng minsan naging Beauty Queen na si Alma Concepcion. Unang gumanap bilang Maria Clara sa Noli Me Tangere

Malimit siyang lumabas sa mga katatakutang pelikula noong Silent Movie pa. Gumanap siya bilang White Lady sa Sa Labi ng Lumang Libingan, papel ng isang aswang sa Ang Aswang at ang sequel na Sumpa ng Aswang at ang Pinoy version ng Dr. Jekyll and Mr Hyde ang Doctor Kuba na ginampanan naman ng isa pang Silent Actor na si Darmo Von Fraser

Lumabas din siya sa Si Juan Tamad ni Manuel Conde at madalas din gampanan ang papel ng isang masungit na Lola o Masamang Ina na labis na kinasusuklaman ng mga tao.

Sa LVN Picture siya nakarami ng pelikula.

Pelikula[baguhin]


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.