Monggolyanong bulati ng kamatayan

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Isang pagsasalarawan ng Monggolyanong bulati ng kamatayan ng taga-Belgium na pintor na si Pieter Dirkx

Ang Monggolyanong bulati ng kamatayan (Monggolyano: олгой-хорхой, olgoi-khorkhoi, bulate ng "malaking bituka") ay isang nilalang na sinasabing namumuhay sa Disyerto ng Gobi. Inuuri ito bilang isang kriptid dahil pinagtatalunan o di-kumpirmado ang mga ulat tungkol dito. Nilalarawan ito bilang isang bulateng msy matingkad na pulang kulay at matabang katawan. Tinatayang may haba itong 0.6 hanggang 1.5 metro (2 hanggang 5 talampakan).[1][2]

Ayon sa mga taga-Monggolya, ang bulate ay may kagilagilalas na mga kakayahan. Isa na dito ay ang paglabas ng nakamamatay na asido na ginagawang kulay dilaw at kalawangin ang lahat ng bagay na matalsikan nito.[3] Sinasabi ring kaya nitong pumatay ng malayuan sa pamamagitan ng paglabas ng kuryente.

Mga sanggunian[baguhin]

Wikipedia-logo-en.png
Ang artikulong ito o mga bahagi nito ay hinango o isinalin mula sa Wikipediang Ingles. Ang katumbas na artikulo nito sa Ingles ay may pamagat na: