Muhammad Dipatuan Kudarat

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Tumuturo dito ang Sultan Qudarat. Para sa lalawigan, tingnan ang Sultan Kudarat.
Muhammad Kudarat
Bronze Statue of Sultan Dipatuan Kudarat in Rizal Park, Manila.jpg
Sultan ng Maguindanao
Paghahari 1619–1671
House Kasultanan ng Maguindanao
Ama Sultan Laut Buisan
Ipinanganak 1581
Maguindanao, Pilipinas
Namatay 1671 (aged 89–90)
Relihiyon Islam

Si Sultan Muhammad Dipatuan Qudratullah Nasiruddin o Muhammad Dipatuan Kudarat (1581–1671) ay isang Sultan ng Maguindanao. Noong panahon ng kanyang pamumuno, matagumpay niyang nalabanan ang mga Kastila na sinubok na sakupin ang kanyang lupain at nahadlangan ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa pulo ng Mindanao. Mula siya sa angkan ni Shariff Kabungsuwan, isang misyonaryong Muslim na nagdala ng Islam sa Pilipinas noong pagitan ng ika-13 hanggang ika-14 na dantaon.[1] Isinunod sa pangalan niya ang lalawigan ng Sultan Kudarat sa Pilipinas, pati ng bayan ng Sultan Kudarat, Maguindanao, kung saan ang kaapu-apuhan ng mga Datu at pinuno ang mga kasalukuyang pinunong pampolitika. Sa ilalim ng pagka-Pangulo ni Ferdinand Marcos, naging pambansang bayani si Sultan Kudarat.[2]


Mga sanggunian[baguhin]


Mga kawing na panlabas[baguhin]

Mga Biograpiya[baguhin]

Tingnan din[baguhin]



Agham Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.