Muling pagkabuhay

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang muling pagkabuhay o resureksyon ay ang pagbabalik na may buhay pagkaraang mamatay.[1] Maaari rin itong tumukoy sa pagbabalik sa isang dating gawain, silbi o gamit ng isang ng isang tao, nilalang, o bagay. Katumbas din ito ng muling pagsilang. Sa Kristiyanismo at Hudaismo, kaugnay ito ng muling pagkabuhay ni Hesuskristo at ng pagkabuhay ng mga patay sa Araw ng Paghuhukom.[2] Bilang apelyido sa buong pangalan ng tao, binabaybay itong Resurrecion na hango mula sa salitang Kastilang resurección para sa "pagkabuhay na mag-uli" ng katawan.

Sa Katolisismo, Kristiyanismo, at Hudaismo, batay sa Bibliya, ang muling pagkabuhay ni Hesus ang susi ng tagumpay laban sa kamatayan. Dumating ang kamatayan sa mundo dahil sa mga kasalanan ng tao, ngunit iniangat ni Hesus ang mga tao mula sa kamatayan bilang isang tanda ng kapangyarihan ng Diyos sa ibabaw ng mga kasalanan. At dahil sa pagkabuhay na muli ni Hesus, nagkaroon ng bagong buhay ang mga tagasunod ni Hesus. Muli pa ring babangon ang mga tagasunod na ito ni Hesus, na may bagong mga katawan, kapag nagbalik na si Hesus sa mundo. Sa Huling Muling Pagkabuhay, babangon ang lahat ng mga tao upang husgahan ng Diyos.[1] Tumataguri naman ang pariralang "unang muling pagkabuhay" sa ang pagbangon mula sa kasalanan na susundan ng pamumuhay sa biyayang nagpapabanal.[3]

Muling pagkabuhay sa mitolohiya[baguhin]

Tingnan din[baguhin]

Mga sanggunian[baguhin]

  1. 1.0 1.1 The Committee on Bible Translation. (1984). "Resurrection". The New Testament, God's Word, The Holy Bible, New International Version (NIV). International Bible Society, Colorado, USA., Dictionary/Concordance, pahina B10.
  2. Gaboy, Luciano L.. "Resurrection". Gabby's Dictionary, Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  3. Abriol, Jose C.. (2000). "". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077., paliwanag kaugnay ng pariralang nasa isang taludtod ng Pahayag 20: 5, pahina 1812.