Rehiyong Autonomo sa Muslim na Mindanao

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Rehiyong Awtonomo sa Muslim na Mindanao
Autonomous Region in Muslim Mindanao
Mapa ng Pilipinas na nagpapakita ng kinaroroonan ng Nagsasariling Rehiyon ng Muslim sa Mindanao
Sentro ng rehiyon Lungsod ng Cotabato
Gobernador Mujiv Hataman (namamahalang opisyante)
Populasyon 2,803,805
– Densidad 220.9 per km²
Laki 12,695.0 km²
Dibisyon
– Lalawigan 6
– Lungsod 1
– Bayan 106
Barangay 2,469
Distritong pangkongreso 8
Wika Banguingui, Maguindanao, Maranao, Tausug, Yakan, Sama, at iba pa

Ang Nagsasariling Rehiyon ng Muslim sa Mindanao o Rehiyong Autonomo sa Muslim na Mindanao (Ingles: Autonomous Region in Muslim Mindanao, dinadaglat bilang ARMM) ay isang rehiyon ng Pilipinas na binubuo ng limang lalawigan at isang lungsod: ang Basilan, Lanao del Sur, Maguindanao, Sulu, Tawi-Tawi at ang Lungsod Marawi. Nilipat ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 36 ang Basilan mula Rehiyon IX at Lungsod ng Marawi mula sa Rehiyon XII. Ang sentrong panrehiyon ang Lungsod ng Cotabato at ito rin ang nagsisilbing luklukan ng pamahalaang panrehiyon, ngunit bahagi ng Rehiyon XII ang lungsod.

Unang nilikha ang rehiyon noong 1 Enero 1990 sa bisa ng Batas Republika Blg. 6734, na kilala din bilang Batas Organiko. Opisyal na itinalaga ang ARMM noong 6 Nobyembre 1990 sa Lungsod ng Cotabato.

Demograpiya[baguhin]

Senso ng populasyon ng ARMM
Senso Populasyon +/-
1990 2,108,061
2000 2,803,045
2010 3,256,140
Source: National Statistics Office[1]

Pagkakahating Pampolitika[baguhin]

Mga lalawigan[baguhin]

Mapang pampolitika ng Nagsasariling Rehiyon sa Muslim na Mindanao
Seal Lalawigan Kabisera Populasyon
(2010)[1]
Sukat
(km²)
Dami ng Tao
(bawat km²)
PH-Official Seal of Basiland Province.png Basilan[1] Lungsod ng Isabelacity
293,222
1,994.1
147.0
50px Lanao del Sur Marawi
933,260
12,051.9
77.4
Ph seal maguindanao.png Maguindanao[2] Shariff Aguak
944,718
7,142.0
132.2
Ph seal sulu.png Sulu Jolo
719,290
2,135.3
336.4
Ph seal tawi-tawi.png Tawi-Tawi Bongao
366,550
3,426.6
107.0

NOTES:

Pamahalaan[baguhin]

ARMM Organizational Structure[baguhin]

Tagapagganap[baguhin]

Pinamumunuan ang rehiyon ng isang Rehiyonal na Gubernador. Ang Rehiyunal na Gubernador at Bise Rehiyunal na Gubernador ay inihahalal katulad ng mga lokal na tagapagganap. Ang mga batas pangrehiyon ay isinasagawa sa Kapulungan ng Rehiyon, na binubuo ng mga "Assemblymen", na inihahalal din ng mga taumbayan. Ang halalang pangrehiyon ay kadalasang idinaraos isang taon pagkatapos ng pangkahalatang halalan (pambansa at pang-lokal), na nakadepende sa lehislasyon mula sa Kongreso ng Pilipinas. Ang mga opisyal ng rehiyon ay may tiyak na terminong tatlong taon, na maaaring madugtungan sa kapangyarihan ng kongreso.

Ang Rehiyunal na Gubernador ay ang pinakamataas na opisyal na tagapagpaganap ng pamahalaang rehiyunal, at tinutulungan ng gabinete na hindi lalagpas sa 10 kasapi. Siya ang nagtatalaga ng mga kasapi ng gabinete, na aayon sa Kapulungan ng Rehiyon.

Termino Gobernador Partido Bise Gobernador Partido
1990–1993
Zacaria Candao Lakas-NUCD Benjamin Loong Lakas-NUCD
1993–1996
Lininding Pangandaman Lakas-NUCD-UMDP Nabil Tan Lakas-NUCD-UMDP
1996–2002
Nurallaj Misuari Lakas-NUCD-UMDP Guimid P. Matalam Lakas-NUCD-UMDP
2001
Alvarez Isnaji[3] Lakas-NUCD-UMDP
2001–2005
Parouk S. Hussin Lakas-NUCD-UMDP Mahid M. Mutilan Lakas-NUCD-UMDP
2005–2009
Zaldy Ampatuan Lakas Kampi CMD Ansaruddin-Abdulmalik A. Adiong Lakas Kampi CMD
2009–2011
Ansaruddin-Abdulmalik A. Adiong[4] Lakas Kampi CMD Reggie M. Sahali-Generale[5] Lakas Kampi CMD
2011–Present
Mujiv S. Hataman[6] Liberal Hadja Bainon G.Karon[7] Liberal
^a Acting capacity
^b Officer-in-charge

Ekonomiya[baguhin]

Isa ang rehiyon sa pinakamahirap na rehiyon sa Pilipinas. Mayroon itong per capita GRDP na P3,433 noong 2005, 75.8 % na mas mababa kung ihahambing sa pambansang pamantayan na P14,186. Ito ang pinakamababa sa 17 rehiyon sa Pilipinas.[2]

Ang mapa ng Rehiyong Awtonomo sa Muslim na Mindanao

Mga sanggunian[baguhin]