Nasipit, Agusan del Norte

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Bayan ng Nasipit
—  Bayan  —
Mapa ng Agusan del Norte na nagpapakita sa lokasyon ng Nasipit.
Bansa Pilipinas
Rehiyon XIII (Caraga)
Lalawigan Agusan del Norte
Distrito Pangalawang Distrito ng Agusan del Norte
Mga barangay 19
Pamahalaan
 • Punong-bayan Enrico R. Corvera
Lawak
 • Kabuuan 144.40 km2 (55.75 sq mi)
Populasyon (2010)
 • Kabuuan 40,663
Zip Code 8602
Kodigong pantawag 85
Kaurian ng kita Pangatlong Klase
PSGC 160209000
Sensus ng Populasyon ng
Nasipit, Agusan del Norte
Senso Populasyon +/-
1990 34,084
1995 34,255 0.1%
2000 35,817 0.96%
2007 38,096 0.85%
2010 40,663 0.90%
Sanggunian: Philippine Statistics Authority[1]

Ang Bayan ng Nasipit (Cebuano: Lungsod sa Nasipit; English: Municipality of Nasipit) ay isang ika-3 klaseng bayan sa lalawigan ng Agusan del Norte, Pilipinas. Ang bayan ay may pinakamalaking daongan ng barko sa lalawigan. Ito rin ay nagsisilbing baseport ng rehiyon. Ayon sa sensus ng 2010, ang bayan ay may kabuuang populasyon na 40,663 katao.

Kasaysayan[baguhin]

Ang naitala na kasaysayan ng bayan ng Nasipit ay malalaman sa aga ng taong 1880 ng ito'y idineklarang pueblo ng mga mananakop na Kastila. Ayon sa mga taga-Nasipit, ang pangalan ng bayan ay nanggaling umano sa aksidente kung saan may nitibo na nakagat ng alimango (crab) nang may nagtanong na banyaga kung anong lugar iyon. Sa hindi pagkakaintindi ng nitibo sa tanong, nasagot nito ang salitang "na-si-pit" ibig sabihin nakagat ng alimango (crab). Hanggang yaon, ang bayan ay tinawag ng Nasipit.

Ang bayan ng Nasipit ay opisyal na hinati sa bayan ng Butuan noong ika-1 ng Agosto, taong 1929. Naging bayan ito sa pamamagitan ng Executive Order Blg. 181 na isinakatuparan ni Gobernador Heneral Eugene Gilmore ng U.S. Army. Mayroon ding proposal na palitan ang pangalan ng bayan sa pangalang Aurora na pinangunahan ni dating Gobernador Teofisto Guingona Sr. pero dahil sa ang mga Nasipitnon ay hindi pumayag , ang pangalang Nasipit ay hindi napalitan.

Barangay[baguhin]

Ang bayan ng Nasipit ay nahahati pampolitika ng 19 kabarangayan. Meron itong 7 na urbanisado at 12 na rural. Narito ang listahan ng mga barangay sa bayan:

View of J.P. Rizal St. at Centro Poblacion, Brgy. 4
  • Aclan
  • Amontay
  • Ata-atahon
  • Camagong
  • Cubi-cubi
  • Culit
  • Jaguimitan
  • Kinabjangan
  • Barangay 1 - Apagan (Pob.)
  • Barangay 2 - Apagan (Pob.)
  • Barangay 3 (Pob.)
  • Barangay 4 (Pob.)
  • Barangay 5 (Pob.)
  • Barangay 6 (Pob.)
  • Barangay 7 (Pob.)
  • Punta
  • Santa Ana
  • Talisay
  • Triangulo

Mga Akademikong Institusyon[baguhin]

Elementarya[baguhin]

  • Nasipit Central Elementary School
  • Saint Michael College of Caraga [1]
  • Punta Elementary School
  • Talisay Elementary School
  • Camagong Elementary School
  • Kinabjangan Elementary School
  • Aclan Elementary School
  • Ata-Atahon Elementary School
  • Jaguimitan Elementary School
  • Sta. Ana Elementary School
  • Triangulo Elementary School
  • Cubi-Cubi Elementary School
  • Amontay Elementary School
  • Culit Elementary School

Sekundarya/Kolehiyo[baguhin]

The only catholic school in Nasipit, St. Michael College of Caraga or may call SMCC
  • Jaguimitan National High School
  • Liceo de Agusan
  • Nasipit National High School (NNHS/IS)
  • Nasipit National Vocational School
  • Northwestern Agusan Colleges
  • Nasipit Institute of Technology
  • Pacifican Institute of Agusan
  • Saint Michael College of Caraga [2]
  • Technological Arts & Science School of Southern Philippines

Mga Haylayts[baguhin]

Taonang Selebrasyon ng Pista[baguhin]

Ang bayan ng Nasipit ay nadidiwang ng kapistahan tuwing ika-29 ng Setyembre bilang parangal sa mahal na patron nga bayan na si Senyor San Miguel, sa araw ng pista ay may pagdiriwang ng misa, parada at Mutya ng Nasipit bago pa man ang araw ng pista.

The old inside shot of Saint Michael Parish in Nasipit now it is repainted into yellow color.

Simbahan ni Senyor San Miguel[baguhin]

Nasa pinakapuso ng bayan makikita ang simbahan, ito'y itinayo umano ng mga Dominikanong Pari noong 50 siglo na nagsilbi rin noon sa parokya. Malaki ang kabaguhan ngayon ng simbahan dahil mas maganda na ngayon ito bago na ang mukha ng altar. Nagsimula ang pagbabago ng simbahan nang si Rev. Fr. Gabby Avelino na ang nagsilbing pinuno ng parokya.

Talasanggunian[baguhin]

  1. "Total Population by Province, City, Municipality and Barangay: as of May 1, 2010". 2010 Census of Population and Housing. National Statistics Office. http://www.census.gov.ph. Nakuha noong 6 October 2013. 

Mga Kawing Panlabas[baguhin]