Nastassja Kinski

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Nastassja Kinski
Nastassja Kinski in 2009
Kapanganakan Nastassja Aglaia Nakszyński
24 Enero 1961 (1961-01-24) (53 taong gulang)
Kanlurang Berlin, Kanlurang Alemanya
Hanapbuhay aktres
Mga taon ng kasiglahan 1975–kasalukuyan
Asawa Ibrahim Moussa (1984–1992)

Si Nastassja Kinski(ipinanganak noong Enero 24, 1961[1][2]), na kung minsan ay nababaybay din bilang Natassja Kinski o Natasha Kinski, ay isang aktres na ipinanganak sa Alemanya ngunit nakahimpil sa Estados Unidos. Lumitaw siya sa mahigit sa 60 mga pelikula. Kabilang sa kaniyang mga gampaning pambida ay ang Tess na nakapagpanalo sa kaniya ng Gantimpalang Ginintuang Globo dahil sa pagganap bilang ang tauhang pinagbatayan ng pamagat para sa nasabing pelikula. Nagkaroon din siya ng papel sa dalawang mga pelikulang erotiko, sa Stay As You Are at sa Cat People, pati na bahaging pagganap sa mga pelikula ni Wim Wenders na The Wrong Move, Paris, Texas, at Faraway, So Close!. Ang larawan ni Kinski na hubo't hubad na mayroong isang malaking sawa, na kinunan ng litrato ni Richard Avedon, ay ikinalakal bilang isang poster. Noong 2011, napangalanan siya bilang isa sa "100 Hottest Women of All-Time" (100 Pinaka Maiinit na mga Babae sa Lahat ng Panahon) ng Men's Health.[3]

Mga sanggunian[baguhin]

  1. John Sandford (patnugot) (2001) Encyclopedia of Contemporary German Culture (Routledge world reference): 340
  2. "Der Spiegel report on Kinski". Spiegel.de. 15 Marso 1961. http://www.spiegel.de/spiegel/print/d-43160419.html. Hinango noong 18 Abril 2010. 
  3. "The 100 Hottest Women of All-Time". Men's Health. 2011. http://www.menshealth.com/sex-women/hottest-women-all-time#ixzz1qwRq4e5z. Hinango noong Abril 2, 2012. 


ArtistaPelikulaEstados Unidos Ang lathalaing ito na tungkol sa Artista, Pelikula at Estados Unidos ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.