Nemesis

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Para sa ibang gamit, tingnan ang Nemesis (paglilinaw).
Si Nemesis.

Sa mitolohiyang Griyego, si Nemesis (Griyego: Νέμεσις) ay isang diyosa ng makatarungang paghihiganti na tumutugis sa mga taong nagkasala o mga gumawa ng hindi mabuting gawain. Siya rin ang diyosa ng retribusyon o pagpaparusa, na nagdadala ng pagganti sa mga may napakaraming kayamanan o may sukdulang pagmamalaki ng sarili. Hinihingi ng sinaunang mga Romano ang kanyang tulong para sa digmaan upang ipakitang nakikipaglaban sila para sa makatarungang kadahilanan o layunin.[1][2] Sa sinaunang wikang Griyego, tinatawag din siyang Rhamnousia, Rhamnusia, o Ramnusia ("ang diyosa ng Rhamnous" o "ang diyosa ng Ramnonte") sa kanyang santuwaryo sa Rhamnous na nasa hilaga ng Marathon, Gresya. Halimbawa ng kanyang kapangyarihan ang pagdurulot kay Narciso na umibig o ibigin ang sariling wangis o anyong makikita sa lawa-lawaan.[1]

Mga sanggunian[baguhin]

  1. 1.0 1.1 "Nemesis; Narcissus". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. (1977)., Dictionary Index para sa titik na N, pahina 430 at 437.
  2. Gaboy, Luciano L.. "Nemesis". Gabby's Dictionary, Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.


MitolohiyaGresya Ang lathalaing ito na tungkol sa Mitolohiya at Gresya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.