Nike

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Nike, Inc.
Uri Publiko
Pagkakatatag 1964 (bilang Blue Ribbon Sports)[1]
1971 (bilang Nike, Inc.)
(Mga) Tagapagtatag Bill Bowerman
Phil Knight
Pangunahing lokasyon Washington County, Oregon, Estados Unidos
(malapit sa Beaverton, Oregon)
Sineserbisyuhang lugar Buong daigdig
Mahahalagang tao Phil Knight
(Chairman)
Mark Parker
(Pangulo at CEO)
Industriya Kasuotan, mga accessories
Produkto Kasuotang pangyapak at damit pampalakasan, kagamitan sa palakasan at iba pang mga produktong atletiko at panlibangan
Kita Green Arrow Up Darker.svg US$25.3 bilyon (FY 2013)[2]
Pumapasok na kita Green Arrow Up Darker.svg US$3.040 bilyon (FY 2012)[3]
Pumapasok na tubo Green Arrow Up Darker.svg US$2.223 bilyon (FY 2012)[3]
Kabuuang ari-arian Green Arrow Up Darker.svg US$15.465 bilyon (FY 2012)[3]
Kabuuang paghahati Green Arrow Up Darker.svg US$10.381 bilyon (FY 2012)[3]
Mga Manggagawa 44,000 (2012)[3]
Websayt .com

Ang Nike, Inc. (opisyal na binibigkas bilang NAY-ki, pero minsang binibigkas bilang nayk[4]) ay isang korporasyong multinasyonal na nakabase sa Amerika na nagdidisenyo, lumilinang, gumagawa at nagsasamerkado ng kasuotan, kagamitan at serbisyo na kalimitan ay may kinalaman sa palakasan. Nakabase ang kumpaniyang ito sa Beaverton, Oregon sa kalakhang Portland. Isa ito sa pinakamalaking tagatustos ng mga sapatos at damit pampalakasan[5] at malaking tagagawa ng mga kagamitang pampalakasan, na may kita ng lagpas ng US$24.1 bilyon sa taong piskal 2012 (nagtatapos sa 31 Mayo, 2012). Mayroon itong mahigit sa 44,000 mga trabahador sa buong mundo. Nagkakahalaga ang tatak lamang ng $10.7 bilyon, kaya isa ito sa mga tatak na may pinakamalaking halaga sa negosyo ng palakasan.[6]

Itinatag ang kumpaniyang ito noong 25 Enero, 1964, bilang Blue Ribbon Sports nina Bill Bowerman at Phil Knight, at opisyal itong naging Nike, Inc. noong 30 Mayo, 1971. Hinango ang pangalan ng kumpaniya mula kay Nike, (Griyego Νίκη, bigkas [nǐːkɛː]) isang Griyegong diyosa ng tagumpay. Sinasamerkado ng Nike ang mga produkto nito sa ilalim ng kaniyang sariling tatak, gaya ng Nike Golf, Nike Pro, Nike+, Air Jordan, Air Force 1, Nike Dunk, Foamposite, Nike Skateboarding at ang mga sangay nito tulad ng Brand Jordan, Hurley International at Converse. Pagmamay-ari din ng Nike ang Bauer Hockey (na pinangalan muli bilang Nike Bauer) sa pagitan ng 1995 at 2008, at dating nagmamay-ari sa Cole Haan at Umbro.[7] Liban sa mga kasuotan at kagamitan sa palakasan, nagpapatakbo din ang kumpaniya ng mga tindahan sa ilalim ng pangalang Niketown. Iniisponsor din ng Nike ang maraming mga sikat na atleta at mga koponan sa isports sa buong mundo, nay may kasamang mga kilalang-kilalang mga trademark na "Just Do It" (Gawin mo lang) at ang logong Swoosh.

Mga link na panlabas[baguhin]

Talasanggunian[baguhin]


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.