Pagsisiyam

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Nobena)
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Para sa bayan sa Singapore, tingnan ang Nobena, Singapore.

Ang pagsisiyam o nobena[1] o nobenaryo[1] ay ang makapananampalatayang pamimintakasi sa Diyos Ama, kay Kristo, sa Birheng Maria, o sa mga santo, sa loob ng siyam na araw na may layuning makahiling ng natatanging mga biyaya, pagpapala, o grasya. Nagsimula ang pagnonobena sa pagtulad o paggaya ng mga taong deboto sa mga apostol o alagad ni Hesus na nagsama-sama sa pagdarasal ng siyam na araw mula sa pagpanik sa langit ni Hesus hanggang sa Linggo ng Pentekostes. Isang halimbawa nito ang pagnonobena ng rosaryo.[2]

Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]

  • pagsisiyam, pagalaala sa ikasiyam na araw o ikasiyam na kaarawan o anibersaryo.[1]
  • pasiyam, siyam na araw na pagdarasal para sa yumao o namatay.[1]
  • nonaryo o nobenaryo, isang sistema ng numero na nakabatay sa bilang na 9, karaniwang ginagamitan ng mga numero o bilang mula 0 hanggang 8.

Talasanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 "Nobena, nobenaryo; at siyam, pagsisiyam, siyaman". English, Leo James. Tagalog-English Dictionary (Talahulugang Tagalog-Ingles). (1990).
  2. Peyton, Fr. Patrick, CSC. Pray the Rosary, New Expanded Edition, With the Five New Luminous Mysteries, Sr. M. Kathleen Flanigan, SC, PhD (nihil obstat, censor liborium), Frank J. Rodimer, JCD, Bishop of Paterson (imprimatur), Catholic Book Publishing Company, New Jersey (nilimbag sa Korea), 2002, pahina 7.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.