North Luzon Expressway

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
North Luzon Expressway
dati ay North Diversion Road
Marcelo H. del Pilar Superhighway
Radial Road 8
Impormasyon sa ruta
Pinangangasiwaan ng Tollways Management Corporation
Haba: 84 km (52.2 mi)
Pangunahing daanan
Dulo sa Hilaga: MacArthur Highway sa Barangay Sta. Ines, Mabalacat, Pampanga
Subic-Clark-Tarlac Expressway sa Mabalacat
Dulo sa Timog Epifanio delos Santos Avenue sa Barangay Balingasa at Pag-ibig sa Nayon sa Lungsod ng Quezon
Lokasyon
(Mga) Pangunahing lungsod: Lungsod ng Quezon, Caloocan (Timog), Valenzuela, Meycauayan, Malolos, San Fernando, Lungsod ng Angeles, at Mabalacat
(Mga) Bayan: Marilao, Bocaue, Balagtas, Guiguinto, Plaridel, Pulilan, San Simon and Mexico
Sistema ng mga daan

Mga pangunahing daanan sa Pilipinas

Ang North Luzon Expressway (NLE o NLEx), dating tinatawag na North Diversion Road at Manila North Expressway (MNEX), ay isang may takdang mabilisang daanan (expressway) na nagkokonekta sa Kalakhang Maynila sa mga lalawigan ng Gitnang Luzon sa Pilipinas. Ito ay isa sa dalawang sangay ng Radial Road 8 (R-8) sa Kalakhang Maynila (ang isa ay nasa Quirino Highway). Ginawa ito noong dekada sesenta (1960s).

Ang mabilisang daanan ay nagsisimula sa Lungsod ng Quezon sa isang palitang cloverleaf kasama ang EDSA: karugtong sa Abenida ng Andres Bonifacio. Pagkatapos, ito ay dadadaan sa Lungsod ng Quezon, Lungsod ng Kalookan, at Lungsod ng Valenzuela sa Kalakhang Maynila. Meycauayan, Marilao, Bocaue, Balagtas, Guiguinto, Malolos, Plaridel, at Pulilan sa Bulacan. San Simon, Lungsod ng San Fernando, Mexico at Lungsod ng Angeles sa Pampanga. Ang mabilisang daanan ay sa ngayon nagtatapos sa Mabalacat at pinagiisa sa MacArthur Highway patungong pahilaga sa natitirang bahagi ng Gitna at Hilagang Luzon.

May ipinanukalang deretsong palitan sa pagitan ng North Luzon Expressway at Subic-Clark-Tarlac Expressway. Ang palitan ay matatagpuan 3-kilometro hilaga ng Labasan ng Sta. Ines. Sa ngayon, ang Clark Spur Road ang naguugnay sa mabilisang daanan at sa SCTEX.

Ang expressway, kung isasama ang Andres Bonifacio Avenue, ay may kabuuang haba na 88 kilometro. Ang bahagi ng mabilisang daaanan ay may habang 84 kilometro.

Sa simula ito ay kontrolado ng Philippine National Construction Corporation o PNCC, ang pamamahala at pagpapanatili ng NLEX ay inilipat noong 2005 sa Manila North Tollways Corporation, isang sangay ng Metro Pacific Investments Corporation (dati, ito ay sangay Lopez Group of Companies hanggang 2008). Isang pangunahing pagpapaganda at pagsasaayos na natapos noong Pebrero 2005 ay ang pagiging hawig ng modernong kalidad sa mga mabilsang daanan sa Pransiya. Ang pangunahing kontratista ng pagsasaayos ay ang Leighton Contractors Pty. Ltd. ng Australya kasama ang Egis Projects, isang kompanya na kasama sa French Groupe Egis bilang subkontraktor para sa tarangkahan, telekumunikasyon, at sa mga paraan ng pangangasiwa ng trapiko. Upang mapanatili ang kaligtasan at kalidad ng mabilsang daanan, iba't ibang mga panuntunan ang nakalagay, tulad ng pagtakda sa kaliwang linya bilang passing lane at pagbabawal sa mga trak na sobra ang karga.

Mga Labasan[baguhin]

Mga Kasalukuyang Labasan[baguhin]

Mga Labasan sa Hinaharap[baguhin]