Organisasyon ng Tratado ng Hilagang Atlantiko

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang Organisasyon ng Tratado ng Hilagang Atlantiko, kilala sa Ingles bilang North Atlantic Treaty Organisation (NATO, binibigkas sa Ingles bilang /ney-tow/)), at kilala rin bilang Alyansang Atlantiko (o Atlantic Alliance sa Ingles), o Alyansang Kanluranin (Western Alliance sa Ingles), ay isang organisasyong internasyunal o samahang pandaigdigan (kapisanang pandaigdigan) para sa kapayapaan at pagtatanggol na nalunsad noong 1949, mula sa Tratado ng Hilagang Atlantiko (North Atlantic Treaty) na nilagdaan sa Washington, D.C., Estados Unidos noong Abril 4, 1949. Nasa Bruselas, Belhika ang punong-tanggapan nito. Isa pang pangalang opisyal nito ay ang kaparehong pangalan nitong nasa Pranses, ang Organisation du Traité de l'Atlantique Nord (OTAN).


MilitarLipunan Ang lathalaing ito na tungkol sa Militar at Lipunan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.