Orkidya

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Orchidaceae
Hangganan ng fossil: Masa Mataas na Kretasyoso 80 milyong mga taon na ang nakalilipas – Kamakailan
Mula sa Kunstformen der Natur ni Ernst Haeckel.
Kauriang pang-agham
Kaharian: Plantae
Dibisyon: Magnoliophyta
Klase: Liliopsida
Orden: Asparagales
Pamilya: Orchidaceae
Juss.
Mga subpamilya

Ang mga orkidya, na tinatawag din bilang orkid,[1] orkidia, orkidyas, sanggumay, o dapo,[2] ay isang malaking pamilya ng mga halamang namumulaklak, at tinatawag din bilang Orchidaceae. Ang mga ito ay mga monokot na mayerba (herbasyoso). Ang mag-anak ng orkidya ay binubuo ng mula 22,000 hanggang 26,000 na mga espesye na nasa loob ng 880 na mga sari (henera).[3][4] Binubuo nila ang nasa pagitan ng 6-11% ng lahat ng mga halamang nagkakabuto (halamang may buto o butil). Matatagpuan ang mga orkidya sa halos lahat ng mga bansa sa mundo, maliban na lamang sa Antarktika.[5]

Ang mga tao ay nagpapatubo at nag-aalaga na ng mga orkidya sa loob ng malaking bilang ng mga taon. Nagpapalaki sila ng mga orkidya upang maitanghal, para sa agham, o kaya ay para kainin o makain (halimbawa na ang vanilla, na isang uri ng orkidya).

Ang ilang sa mga orkidya ay mayroong napaka natatanging mga paraan ng polinasyon. Halimbawa na, ang orkidyang kung tawagin ay Tsinelas ng Babae ay maaaring makapangbitag na mga kulisap at magawa ang mga ito na maipakalat ng mga insektong ang bulo nito pagdaka, kapag nakawala ang mga kulisap. Ang isa pang halimbawa ay ang sa orkidyang Austriyano, na tumutubo at lumalaki sa ilalim ng lupa at polinasyon ay isinasagawa ng mga langgam.

Mga sanggunian[baguhin]

  1. orchid, orkid, bansa.org
  2. orchid, dapo, orkidia, orkidyas, sanggumay], lingvozone.com
  3. Stevens P.F. 2001 onwards. Angiosperm Phylogeny Website, ika-9 na bersiyon Mobot.org
  4. "WCSP". World Checklist of selected plant families. http://apps.kew.org/wcsp/. Hinango noong 2010. 
  5. Dressler RL 1981. The Orchids: natural history and classification. Harvard University Press. ISBN 0-674-87525-7