Oro, Plata, Mata

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Philippinesfilm.png Oro, Plata, Mata

Ang paskil ng Oro Plata Mata
Direksiyon Peque Gallaga
Produksiyon Charo Santos-Concio
Isinulat ni Jose Javier Reyes
Mga gumanap Cherie Gil
Sandy Andolong
Joel Torre
Liza Lorena
Fides Cuyungan-Asencio
Manny Ojeda
Maya Valdez
Lorli Villanueva
Ronnie Lazaro
Musika Jose Gentica V
Sinematograpiya Rody Lacap
Tagapag-edit Jesus Navarro
Ipinamahagi ng Sinemang Eksperimental ng Pilipinas
Petsa ng pagpapalabas 1982
Oras ng pagpapalabas 194 na minuto
Bansa Pilipinas
Wika Filipino

Ang Oro, Plata, Mata ay isang pelikulang dramatikong maraming napanalunan ng mga gawad na nilikha sa direksiyon ni Peque Gallaga noong 1982, at itinuturing niyang pinakamakabuluhang ambag sa pelikulang Pilipino. Kinunan bilang mga tagpo sa lalawigan ng Negros sa kapanahunan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ito ay nagkukuwento kung paano nakaraos ang dalawang pamila pag-aari ng mga asyenda na may mga pagbabago na dinala ng digmaan.[1]

Ang pelikula ay nagbubunsod ng karerang pampelikula ni Joel Torre at una at pinakamahalagang pelikula ni Peque Gallaga.[2] Ang mga ilang tagpo ay kinunan sa mga lumang bahay ng mga asindero sa Lungsod ng Silay, Silangang Negros.

Pamagat ng pelikula[baguhin]

Sa pagsasalinwika, ang pelikula ay kinikilala rin bilang "Ginto, Pilak, Kamalasan" o "Ginto, Pilak, Kamatayan."[3]

Si Don Claudio Ojeda bilang asindero

Ang pamagat ay tumutuon sa isang lumang Pilipinong pamahiing pang-arkitektura na nagsasabing ang mga mulangkap na disenyo sa isang bahay (lalong-lalo na ang mga hagdanan) ay hindi dapat nabibingit sa isang kalambal ng tatlo, nananatili na may parisan ng oro (ginto), plata (pilak), at mata (kamalasan).

Kahulugan ng bawat salita ng pamagat[baguhin]

Ang pelikula ay isinaayos sa tatlong bahagi na naglalarawan ng parisan na tinapos sa mga buhay ng mga pangunahing tauhan:

  • Oro - mula sa isang buhay ng karangyaan at talaghay sa lungsod,
  • Plata - sa isang nananatiling marangyang panahon ng timbula sa isang panlalawigang asyenda,
  • Mata - at sa huli sa isang pag-iwas na higit na malayo sa mga bundok, kung saan sila ay lininlang ng mga tulisang gerilya.[1]

Mga tauhan[baguhin]

Nag-uusap sina Maggie at Trining tungkol sa pag-ibig kay Miguel.

Ang mga nagsiganap sa pelikulang ito ay ang mga sumusunod:

Mga nagsiganap Ginampanan bilang
Manny Ojeda Don Claudio Ojeda
Liza Lorena Nena Ojeda
Sandy Andolong Maggie Ojeda
Cherie Gil Trining Ojeda
Fides Cuyugan-Asensio Inday Lorenzo
Joel Torre Miguel Lorenzo
Maya Valdez Jo Russell
Lorli Villanueva Viring Ravillo
Ronnie Lazaro Hermes Mercurio
Abbo De La Cruz Melchor
Mely Mallari Estrella
Mary Walter Yaya Tating
Agustin Gatia Lucio
Robert Antonio Carlos Placido
Benjamin Delina Primo
Carmelo Sta. Maria Milo
Wilbert Cardeñas Tibo
Noel Soriano Termiong
Kuh Ledesma Diwata
Gigi Dueñas Maring
Fe de los Reyes Pacita
Dwight Gaston umaawit na gerilya
Ben Morro Hapones na sundalo
Jeffrey Valdes pinunong tulisan
Benny Warden Amerikanong opisyal
Jaime Fabregas Minggoy
Ricardo Gallaga Pascual
Jose Castillo Danding
Manny Castañeda Emilio
Andoni Alonso Ramon
Anne Marie Ledesma Elena
Chita Castillo Inez
Ma. Teresa Urra Naty
Mona Lisa Lola Desta
Peter Garcia Bobby
Jed Arboleda Tommy
Chichona Saiz Madre Carmen
Luis Clauor Obispo
Jose Javier Reyes Tsinong kusinero
Odo Abaquin kaibigan ni Ramon
Nonoy Rio asawa ni Elena
Jesus Pernas Jr. bata sa handaan
Jose Pernas bata sa handaan
Maita Suarez bata sa handaan
Gaita Jalandoni bata sa handaan
Maya Castillo bata sa handaan
Miguel Gallaga panauhin sa handaan
Jesus Pernas Sr. panauhin sa handaan
Victor Gaston panauhin sa handaan
Benjie Torre panauhin sa handaan
Rene Hinojales panauhin sa handaan
Alex Kramer panauhin sa handaan
Gerry Perez panauhin sa handaan
J.C. Bonnin panauhin sa handaan
John Bonnin panauhin sa handaan
Nicky Kramer panauhin sa handaan
Jojo Bonnin panauhin sa handaan
Gerry Fernandez panauhin sa handaan
Martin Rodriguez panauhin sa handaan
Adrian Campos panauhin sa handaan
Pilar Gallaga panauhin sa handaan
China Gallaga panauhin sa handaan
Rica Suarez panauhin sa handaan
Isabel Campos panauhin sa handaan
Chona Valles panauhin sa handaan
Betty Puey panauhin sa handaan
Conchita Gallaga panauhin sa handaan
Luz Torre panauhin sa handaan
Peachie Villanueva panauhin sa handaan
Miren Bilbao panauhin sa handaan
Socorro Monfort panauhin sa handaan
Lolita Bonnin panauhin sa handaan
Rosina Gallaga panauhin sa handaan
Ione Baldivia panauhin sa handaan
Hera Baldivia panauhin sa handaan
Lydia Gaston panauhin sa handaan
Nicole Gaston panauhin sa handaan
Bo-Peep Golez panauhin sa handaan
Bobbie Cua panauhin sa handaan
Vicky Franco panauhin sa handaan
Christine Azcona panauhin sa handaan
Sandy Hontiveros panauhin sa handaan
Dee Hontiveros panauhin sa handaan
Bambi Arambulo panauhin sa handaan
Douglas Nierras panauhin sa handaan
Lani Fernando panauhin sa handaan
Steven Lovina panauhin sa handaan
Eric Ver panauhin sa handaan
Jose Marie Siy
Mario Ontal
Lyndon Estañol
Toot Alcala
Martin Lachica
Mario Octavio
Jimjim Lim
Ramon Mongcal
Rembert Espares
Chuck Ontal
Carlos Jaud
Proceso Jaud
Rodolfo Padilla
Juan Badoy
Pablo Cambronero
Peter Demerin
Ondo Coronico
Bonifacio Arroyo
Filomeno Martin
Gaudencio Alilain
Vic Groyon
Melissa Jimenez
Rowena Santillan
Jeanne Macani
Cynthia Ta-ala
Mitzi Samson
Anna Marie Mongcal
Ma. Paz Martinez
Charito Ferrer-Motus
Dolly Sinay
Lui Zayco
Tata Zayco
Juliet Matti
Madeleine Gallaga
Fergus Martir
Johnny Martinez
Constant Medez
Ronnie Pabular
Arturo Traviles
Mario Lubrico
Rene Sevelleno
Badot Balmeo
Joel Lubrico
Dodoy Guantia
Mentong Martinez
Reynaldo Diog
Jimmy Vizon
Jorge Ledesma
Blanco Bubod
Eddie Magdaraog
Genaro Asuncion
Peter Tison
Boboy Gonzaga
Boy Manuel
Loreto Ortega

Buod ng pelikula[baguhin]

Ang nasusunog na taniman sa asyenda habang sila'y lumilihis nang palayo.

Isang sine na tungkol sa pagbagsak ng dalawang aristokratikong pamilya sa Negros sa kapanahunan ng Digmaang Pasipiko, nagsimula ito sa dibu ni Maggie Ojeda (Andolong). Sa hardin, nagkaroon si Trining (Gil) ng kanyang unang halik mula sa kanyang kasintahan mula pagkabata na si Miguel (Torre). Si Don Claudio Ojeda (Ojeda) at ang kanyang kapwa asindero ay nagtalakayan sa digmaan. Ang di-pagsama ni Miguel sa hukbo ay nabanggit at tinutuya siya sa pagiging isang "Mama's boy." Ang balita sa pagbagsak ng Corregidor ay nagpatigil sa pagdiriwang.

Nang sumapit ang digmaan sa lungsod, ang mga Ojeda ay nagpasiya na tanggapin ang kanlungan sa mga Lorenzo, ang kanilang kaibigang angkan sa mahabang panahon, sa kanilang panlalawigang hacienda. Ang mga matriyarka ng dalawang pamilyang ito ay nagpatuloy sa kanilang aristrokratikong istilo ng pamumuhay. Ang kanilang mahinay na pagtanggi sa pagtanggap na ang digmaan ay naiga ng mga madalas na malubay na sasal ni Maggie na naghihimatong para sa kanyang katipan, at ang mga pagbabago nina Miguel at Trining mula sa mapaglarong bata sa mapagsapalarang balubata.

Ang dalawang kaibigan, Jo Russell (Valdez) at Viring (Villanueva), ay sumanib sa mga Ojeda at mga Lorenzo. Nang sumasapit ang mga kaaway, nagpasiya ang mga angkan na lumipat nang higit na malayo sa bahay-pahingaan sa kagubatan ng mga Lorenzo. Ang pangkamag-anak na kapayapaan ay nabasag nang dumating ang pangkat na madambong na gerilya. Hinilom ni Jo ang kanilang mga sugat. Naiwan ang isa sa mga sugatan, si Mercurio (Lazaro). Tinuya muli ng pamilya si Miguel ukol sa kanyang pananabang at karuwagan; sinabi ni Trining kay Miguel na walang ginawa nang ang sundalong Hapones ay pumapatay ng isang babaeng naliligo sa tabing-ilog. Si Mercurio ang pumatay sa Hapones. Inaliw ni Maggie si Miguel, at nagpasiya ang binata na mag-aral sa pamamaril mula kay Mercurio.

Pagkatapos ninakaw ni Melchor (De la Cruz) ang mga alahas ni Viring, nagbibigay-dahilan ng pagnanakaw bilang kabayaran para sa kanyang paglilingkod. Nagtangka siya na basagin na ang katapatan ng mga iba pang alila at tumaboy. Kinabukasan, tinutop ni Melchor ang paghihiganti nang bumalik siya sa kubo kasama ang mga tulisan. Kinuha ang mga pangangailangan, ginahasa si Inday (Asensio), iniwa ang daliri ni Viring nang tumanggi siyang isuko ang kanyang singsing. Sa kabila ng pinsala na ginawa sa kanyang pamilya, sumama si Trining sa mga tulisan.

Ang giting ni Miguel ay pinalitan ng kaululang lunggati.

Ang karanasan ay nakabuo ng isang bigkis sa pagitan nina Maggie at Miguel; ang mga naulila ay nakaraos sa pamamagitan ng pagpapatuloy ng kanilang mga pulong sa madyong. Nagpasiya si Miguel na tugisin ang mga tulisan at manumbalik si Trining. Nahanap niya ang mga tulisan, nguni't ang kanyang bagong-hanap na giting ay pinalitan ng isang kaululang lunggati na pumatay. Ang madugong karurukan ay sumunod sa isang epilogo. Ang mga tagpo ay magkatulad, subali't ang panahon ay katatapos lamang ng digmaan. Nagpahayag sina Maggie at Miguel ang kanilang tipanan. Ang mga naulila ay nagsumikap na ipagpatuloy ang kanilang lumang istilo ng pamumuhay sa kabila ng kanilang mga pilat mula sa digmaan.[2]

Pagsusuri ng pelikula[baguhin]

Binunyi ng mga manunuri ang pelikulang ito bilang sinematikong "pakitang-lakas" at isang nakapagpapanutong tagumpay. Ipinapakita na ang digmaan ay nagdudulot ng pinakamalala sa mga tao. Ang antas ng epiko at disenyong pamproduksiyon ay "operatiko."[2]

Simbolismo[baguhin]

Mula isinulat ang pelikula sa mga taong pagkatapos ng Batas Militar, ang mga asal ni Melchor ay maaaring nakikita sa dalawang paraan:

  1. Salaming Sosyo-Pampolitika ng mga taong '80: Noong panahon ng mga kapanahunan, ang mga kabaka ng mga tao ay hindi banyaga, at sa pangyayari, ang mga palaban na hukbong banyaga ay mahihina (sumasagisag ng naghihingalong sundalong Hapones na binigo ni Miguel na patayin). Ang mga kabaka ng mga tao kung gayon ay ang kanilang mga sariling kababayan: Ang mga hukbong militar at pulisya ni Marcos.
  2. Marxistang asal ni Melchor ay isang babala na maaaring mangyari sa mga nasa higit na mataas na antas sa lipunan, na namamayani sa mga politikang Pilipino sa panahong iyon. Samantala, ang gawain ng Bagong Hukbong Bayan (NPA) (ang militanteng hukbo ng Partidong Komunista ng Pilipinas) ay ang pinakamalakas sa kapanahunan ng pagpapalabas ng pelikula.

Mga gawad[baguhin]

Gawad FAP[baguhin]

Taon Resulta Kategorya/(Mga) nakatanggap
1983
Nanalo
Pinakamahusay na Disenyong Pamproduksiyon
Don Escudero
Rodell Cruz

Pinakamahusay na Pangalawang Aktres
Liza Lorena

Gawad Urian[baguhin]

Taon Resulta Kategorya/(Mga) nakatanggap
1983
Nanalo
Pinakamahusay na Sinematograpiy
Rody Lacap

Pinakamahusay na Direksiyon
Peque Gallaga

Pinakamahusay na Musika
Toto Gentica

Pinakamahusay na Disenyong Pamproduksiyon
Rodell Cruz
Don Escudero

Pinakamahusay na Tunog
Ramon Reyes

Pinakamahusay na Pelikula
Nanomina
Pinakamahusay na Pangunahing Aktor
Joel Torre

Pinakamahusay na Editing
Jess Navarro

Pinakamahusay na Dulang Pampelikula
Jose Javier Reyes

Pinakamahusay na Pangalawang Aktor
Ronnie Lazaro

Pinakamahusay na Pangalawang Aktor
Manny Ojeda

Pinakamahusay na Pangalawang Aktres
Liza Lorena

Pinakamahusay na Pangalawang Aktres
Mitch Valdez

Tingnan din[baguhin]

Sanggunian[baguhin]

  1. 1.0 1.1 Oro, Plata, Mata, (1982), Peque Gallaga, mga tala mula sa: takip na harapan. Star Recording/ ABS CBN,Diliman, Lungsod Quezon:17-75237-8, (2008).
  2. 2.0 2.1 2.2 L. Sicat, CCP Encyclopedia of Phil. Art, Vol. VIII (Phil. Film), p. 181
  3. ORO, PLATA, MATA (1983), http://ftvdb.bfi.org.uk/sift/title/305190, nakuha noong 2008-05-11 

Mga panlabas na kawing[baguhin]

Palabas sa YouTube[baguhin]

Kung nais ninyong mapanood ang kabuuang pelikula sa YouTube, maaaring ninyong pasukin ang kawing na ito: