Ortodoksiyang Oriental

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang Ortodoksiyang Oriental ang pananampalataya ng mga Simbahang Silangang Kristiyanismo na kumikilala lamang sa tatlong mga konsehong ekumenikal: ang Unang Konseho ng Nicaea, ang Unang Konseho ng Constantinople, at ang Unang Konseho ng Efeso. Kanilang itinakwil ang mga depinisyong dogmatiko ng Konseho ng Chalcedon noong 451 CE. Kaya ang mga Simbahang Ortodoksong Oriental ay tinatawag na Mga Simbahang Lumang Oriental o mga Simbahang Hindi-Chalcedonian na kilala sa Kanlurang Kristiyanismo at karamihan ng Silangang Ortodoksiya bilang mga Simbahang Monopisito bagaman ang mga mismong Oriental Ortodokso ay tumatakwil sa deskripsiyong ito bilang hindi tumpak na nagtatakwil ng mga katuruan ng parehong sina Nestorio at Eutyches. [1] Ang mga simbahang ito ay may buong komunyon sa bawat isa ngunit hindi sa mga Simbahang Silangang Ortodokso.

Pakikipaghiwalay[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang pakikipaghiwalay ng Ortodoksiyang Oriental sa iba pang mga Kristiyano ay nangyari noong ika-5 siglo CE. Ito ay nagresulta sa pagtanggi ni Papa Dioscoro na Patriarka ng Alehandriya at iba pang 13 obispong Ehipsiyo na tanggapin ang mga dogmang Kristolohikal na pinagtibay ng Konseho ng Chalcedon na si Hesus ay may dalawang kalikasan: isang Diyos at isang Tao. Kanila lamang tatanggapin ang "ng o mula sa dalawang kalikasan" ngunit hindi ang "nasa dalawang kalikasan".

Komunyong Ortodoksiyang Oriental[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang Komunyong Oriental na Ortodokso ay isang pangkat ng mga simbahan sa loob ng Ortodoksiyang Oriental na may buong komunyon sa bawat isa. Ang komunyong ito ay binubuo ng sumusunod:

Distribusyon ng mga kasapi ng Ortodoksiyang Oriental sa buong mundo[baguhin | baguhin ang batayan]

Distribusyon ng mga kasapi ng Ortodoksiyang Oriental sa buong mundo ayon sa bansa: ██ Pangunahing relihiyon (higit sa 75%) ██ Pangunahing relihiyon (50% – 75%) ██ Mahalagang relihiyong minoridad (20% – 50%) ██ Mahalagang relihiyong minoridad (5% – 20%) ██ Relihiyong minoridad (1% – 5%) ██ Maliit na relihiyong minoridad (kaunti sa 1%) ngunit may lokal na autocephaly

Ang Ortodoksiyang Oriental ang nananaig na relihiyon sa Armenia (94%), sa etnikong Armenian na Nagorno-Karabakh Republic (95%), at sa Ethiopia (43%, na ang kabuuang populasyon nito ay 62%), lalo na sa dalawang rehiyon ng Ethiopia: Amhara (82%) at Tigray (96%) gayundin din sa mga chartered city ngAddis Ababa (75%).[3] Ito rin ang isa sa dalawang nananaig na relihiyon sa Eritrea (50%).

Ito ay isang relihiyong minoridad sa Ehipto (9%),[4] Sudan (3–5% ng 15% ng kabuuang populasyong Kristiyano), Syria (2–3% sa 10% ng kabuuang populasyong Kristiyano), Lebanon (10% sa 40% ng kabuuang Kristiyano sa Lebanon) at Kerala, India (7% sa 20% ng buong populasyong Kristiyano sa Kerala).[5]

Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Davis, SJ, Leo Donald (1990). The First Seven Ecumenical Councils (325-787): Their History and Theology (Theology and Life Series 21). Collegeville, MN: Michael Glazier/Liturgical Press. pp. 342. ISBN 978-0-8146-5616-7. 
  2. [1]
  3. Ethiopia: 2007 Census
  4. "The World Factbook: Egypt". CIA. https://www.cia.gov/library/publications/the-world-factbook/geos/eg.html. Hinango noong 2010-10-07. 
  5. [2]