Ortodontiks

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang Ortodontiks, Ortodontiya, o Ortodontura (Ingles: orthodontics, orthodontia, o orthodonture, mula sa Griyegong orthos "tuwid o angkop o perpekto"; at odous "ngipin") ay ang unang espesyalidad ng dentistriya na nakatuon sa pag-aaral at paggamot ng mga maloklusyon (hindi tamang mga pagkagat), na maaaring sanhi ng iregularidad ng ngipin, disproporsyonado o hindi pantay na ugnayan ng panga, o pareho. Ang paglulunas na ortodontiko ay maaaring tumuon lamang sa hindi tamang lugar ng mga ngipin, o maaaring tumuon sa kontrol at modipikasyon ng pagunlad ng mukha. Sa huling kaso, mas mabuting bigyang kahulugan ito bilang dentofacial orthopedics o "ortopediks na pangngipin at pangmukha". Ang panggagamot na ortodontiko ay maaaring isagawa para sa dalisay na mga dahilang estetiko na may kaugnayan sa pagpapainam ng pangkalahatan anyo ng mga ngipin ng pasyente. Subalit, may mga ortodontista na nagsasagawa ng pag-aayos ng buong mukha sa halip na nakatuon lang sa mga ngipin.