Osona (singaw)
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
-
- Para sa banda, tingnan ang O-Zone.
Ang Osona[1] (Ingles: Ozone) ay isang singaw o suob na may kemikal na komposition na O3. Ito ay may tatlong atom ng oksiheno. Hindi katulad ng O2, ang suob nito ay nakakalason sa mga organismo. Ang saping osona o patong na osona (ozone layer) ay isang makabuluhang lugar-ng-suob o patong (layer) na pumipigil sa mga ultrabiyoletang sinag (mga ultraviolet ray) sa Stratosphere sa atmospera. Ayon sa mga taong dalubhasa sa agham, ang pagkabutas ng ozone layer ay sanhi ng pagdami ng greenhouse gasses at ang pinaka-epekto nito ay ang pag-init ng daigdig.
Ang Osona ay ang unang allotrope ng isang kemikal na malaman ng agham, ay unang naisip (proposed) bilang isang kemikal ni Christian Friedrich Schönbein noong 1840, ay pinalangan mula sa Griegong salita na ozein na nangangahulugang amoy, dahil sa kakaibang among tuwing may bagyo't kidlat. [2][3]
[baguhin] Pisikal na Katangian
Ang mga tao ay makakaramdam ng halos 0.01 ppm sa hangin. Ang mga tao ay magkakaroon ng sakit ng ulo, matang iritable at iritasyon sa paghinga kapag sila ay nakaramdam ng 0.1 ppm hanggang 1 ppm. [4]
Sa temperaturang -112 °C, ang Osona ay bumubuo ng isang itim na ma-asul na likido. Sa temperaturang -193 °C, ito ay namumuo ng isang solidong may kulay na asul-violet [5]
[baguhin] Sanggunian
- ↑ "Halaw sa sona na nangangahulugang pook; pinagsamang O ng oksiheno at sona". English, Leo James. Tagalog-English Dictionary (Talahulugang Tagalog-Ingles). (1990).
- ↑ Rubin, Mordecai B. (2001). "The History of Ozone. The Schönbein Period, 1839-1868" (PDF). Bull. Hist. Chem. 26 (1). Nakuha noong 2008-02-28.
- ↑ Today in Science History. Hinango noong Mayo 10, 2006.
- ↑ Brown, Theodore L.; H. Eugene LeMay Jr., Bruce E. Bursten, Julia R. Burdge (2003). "22". in Nicole Folchetti. Chemistry: The Central Science (9th Edition ed.). Pearson Education. pp. 882-883. ISBN 0-13-066997-0.
- ↑ Oxygen. WebElements. Hinango noong Setyembre 23, 2006.