Pagadian

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Lungsod ng Pagadian
—  Lungsod  —
Mapa of Zamboanga del Sur na nagpapakita ng lokasyon ng Pagadian
Pagadian is located in Philippines
Lungsod ng Pagadian
Lokasyon sa Pilipinas
Coordinates: 7°49′42″N 123°20′4.61″E / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator; May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operatorMga koordinato: 7°49′42″N 123°20′4.61″E / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator; May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator
Bansa Pilipinas
Rehiyon Region IX Zamboanga Peninsula
(Sentro ng Rehiyon)
Lalawigan Zamboanga del Sur (kabisera)
Mga barangay 54
Pagkatatag Marso 23, 1937
Ganap na Lungsod Hunyo 21, 1969
Lawak
 • Kabuuan 1,414.7 km2 (546.2 sq mi)
Populasyon (2010)
 • Kabuuan 807,129
Sona ng oras PST (UTC+8)
Kodigo Postal 7000
Kodigong pantawag 62
Kaurian ng kita Unang klase
PSGC 097332000

Matatagpuan sa lalawigan ng Zamboanga del Sur, ang lungsod ng Pagadian ay isang "2nd class city." Ito ang kabisera ng nasabing lalawigan at tinatayong sentro rehiyonal ng Tangway ng Zamboanga (Zamboanga Peninsula). Ang Pagadian ay binansagang "Munting Hong Kong ng Katimugan."

Mga Barangay[baguhin]

Ang lungsod ng Pagadian ay hinahati sa 54 na barangay. Maaaring bumisita sa artikulong Pagadian City sa Wikipedia sa Ingles para sa mga pangalan ng mga barangay.

Kasaysayan[baguhin]

Isang dating barrio ng Labangan sa lumang lalawigan ng Zamboanga, ang Pagadian ay naging isang bayan noong Marso 23, 1937 sa pamamagitan ng E.O. 77 ng Pangulong Manuel L. Quezon. Si Hon. Jose Sanson ang unang alkalde ng Pagadian.

Hinati sa dalawa ang lalawigan ng Zamboanga noong Hunyo 6, 1952 sa pammagitan ng R.A. 711 na pagmamay-aari ni Kongresista Roseller T. Lim. Naging kabisera ang Pagadian noong Setyembre 17, 1952. Hinirang ang Pagadian bilang isang Lungsod noong Hunyo 21, 1969 sa pamamagitan ng R.A. 5478. Noong 2004 ay pinangalanan ang Pagadian bilang Sentro Rehiyonal para sa Tangway ng Zamboanga, bagamat planado ang paglipat nito mula sa Zamboanga noong 1990 sa administasyon ng Pangulong Corazon C. Aquino.

Heograpiya[baguhin]

Matatagpuan sa hilaga-silangang bahagi ng rehiyon, ang Lungsod ng Pagadian ay ang pasukan ng Zamboanga del Sur. Nagiging pasukan rin ng mga lungsod ng Ozamiz, Iligan at Cotabato. Ang Pagadian ay may kabuuan ng 331.6 sq. km. at may 54 na barangay.

Mga Pangunahing Tanawin[baguhin]

  • Salvation and Praise Fellowship ( Happy Church )Vencedores Network
  • Isla ng Dao Dao
  • White Beach
  • Pulacan Falls
  • Dagat ng Muricay
  • Dagat ng Bomba
  • Dagat ng Poloyogan
  • Lourdes Hot and Cold Springs
  • Lambak ng Lizon
  • Manga Falls
  • Mt. Susong Dalaga
  • Mt. Pinokis
  • Kapatagan ng Bulatoc
  • Ditoray Waterfalls
  • Mga kuweba ng Kendis at Manga
  • Rotonda ng Pagadian mula sa Rizal Avenue
  • Katedral ng Santo Nino

Mga Kaganapan at Kapistahan[baguhin]

  • Ang Kapistahan ng Santo Nino, kilala bilang "Pasalamat Festival," ay ginanap tuwing ikatlong linggo ng Enero.

Paano Makaabot sa Pagadian?[baguhin]

Makaabot ang Pagadian sa pamamagitan ng mga sumusunod:

  • Eroplano- sa kasalukuyan ay patuloy na lumilipad mula Pagadian, Cebu hanggang Manila (at vise versa) sa Cebu Pacific at Airphil Express.
  • Bus- may mga sakayan ng bus mula Pagadian hanggang Zamboanga, Dipolog, Davao at Cagayan de Oro

Edukasyon[baguhin]

Sa pangkalahatan ay mayroong 13 mga paaralang tertiary, kabilang ang kampus ng Western Mindanao State University-annex.

Kalusugan at Serbisyong Medikal[baguhin]

Ang Lungsod ng Pagadian ay mayroong 12 na ospital at klinika.

Pamahalaan[baguhin]

Kabilang sa Unang Distrito Kongresyonal ng lalawigan ang Pagadian City. Si Mayor Romeo "Tata" Pulmones ang alkalde ng lungsod sa unang termino. Bilang kabisera ng Zamboanga del Sur, ang mga tanggapang panlalawigan at ang kapitolyo ay matatagpuan din sa Pagadian.

Mga exteral links[baguhin]