Pagguguntingan

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Isang paglalarawan ng dalawang babae na nagsasagawa ng posisyon ng pagguguntingan o tribadismo, isa sa sari-saring mga posisyong may baryasyon, kung saan ang isang babae ay nagkikiskis ng kanyang bulba sa bulba ng kanyang kapareha para sa layunin ang kasiyahang seksuwal.[1][2]

Ang Pagguguntingan o Tribadismo (Ingles: tribadism,[3] tribbing, scissoring position) ay isang uri ng posisyong pangpagtatalik at pakikipagtalik na hindi nagpapasok kung saan ang isang babae ay nagkakaskas ng kanyang bulba sa katawan ng kanyang katalik para sa estimulasyong seksuwal. Maaari itong kasangkutan ng pagdirikit ng dalawang babae o ng isang babae na ikinikiskis ang kanyang bulba sa hita, tiyan o puson, mga pigi ng puwit, bisig, o iba pang bahagi ng katawan ng kanyang katalik ngunit hindi kasama ang bibig.[1][4][5][6] Isang kasamu't sarian ng mga posisyong pampagtatalik ang naitala, kasama ang posisyong misyonero.[2] Ang katagang ito ay paminsan-minsang ginagamit upang tukuyin ang isang pamamaraan ng pagsasalsal kung saan ang isang babae ay hinahagod o ikinakadkad ang kanyang bulba sa isang bagay na hindi gumagalaw o walang buhay katulad ng isang mahaba at makitid na unan (isang bolster kung tawagin sa Ingles o dantayan o tandyang unan) upang makamit ang sukdulan. Kadalawang ginagagamit ang katawagan sa diwa ng pagtatalik na pangtomboy.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. 1.0 1.1 Bonnie Zimmerman (2000). Lesbian histories and cultures: an encyclopedia (Volume 1). Taylor & Francis. pp. 862. 0815319207, 9780815319207. 
  2. 2.0 2.1 Rice, Kim. "Doin' It Well: Aye, there's the rub". Illini Media/the217.com. Archived from the original noong Enero 14, 2010. http://web.archive.org/web/20100114122600/http://the217.com/articles/view/aye_there_s_the_rub. Hinango noong Disyembre 7, 2011. 
  3. Gould, George M. (1936). Gould's Pocket Medical Dictionary (10th rev. ed.). P. Blakiston's Son & Co. Ltd.. 
  4. Lesbian Sex Question: Tribadism, napuntahan noong 18 Disyembre 2006.
  5. Cathy Winks and Anne Semans (2002). The Good Vibrations Guide to Sex (3rd ed.). Cleis Press. ISBN 1573441589. 
  6. Janell L. Carroll (2009). Sexuality Now: Embracing Diversity. Cengage Learning. pp. 629. ISBN 0495602744,. 9780495602743. http://books.google.com/books?id=5f8mQx7ULs4C&pg=PA272&dq=Lesbians+and+tribadism#v=onepage&q=Lesbians%20and%20tribadism&f=false. Hinango noong 2010-12-19.