Pagkakuntento

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Para sa ibang gamit, tingnan ang Sapak (paglilinaw).
Isang magkasintahang nagpapakita ng kanilang pagkakuntento sa bawat isa.

Ang kasiyahan ng loob[1], pagkakuntento, kakuntentuhan, o satispaksiyon (Ingles: contentment, satisfaction, fullness) ay ang karanasan ng pagkakaroon ng pagkapuno o kabusugan na may kaginhawahan sa sariling sitwasyon, katayuan, o kalagayan. Tinatawag na sapak o pagkasapak ang pagpapadama ng buong-buong pagkakuntento. Dahil sa karanasang ito, nakakaramdam ang tao ng kaluguran at kasiyahan.[1][2] Nakakaranas ng satispaksiyon o gratipikasyon[2] ang isang tao kapag naisakatapuran na ang kagustuhan o dahil sa pagkakatanggap ng isang bagay na nakapagbibigay ng kasiyahan, o maaari rin kapag nakapagbayad-pinsala na ang isang taong dating nagkamali, nagkulang, o nagkasala.[2]

May kaugnayan ang pagkakuntento sa mga salitang lugod, kasayahan, katuwaan, kagalakan, at nasisiyahangloob.[1] Karaniwang nilalarawan ang maturidad bilang ang kakayahang ipagpaliban ang gratipikasyon dahil sa pagkakaroon ng pasensiya.

Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. 1.0 1.1 1.2 Blake, Matthew. (2008). "Contentment, kasiyahan ng loob". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org., nasa Contentment.
  2. 2.0 2.1 2.2 Gaboy, Luciano L.. "Contentment, satisfaction, gratification". Gabby's Dictionary, Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.



TaoDamdamin Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao at Damdamin ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.