Pakikipag-date
Ang pakikipag-date ay bahagi ng proseso ng reproduksyon ng tao kung saan ang dalawang tao ay naghahangad ng relasyon sa isa't sa na higit pa sa pagkakaibigan o kaya ay ang pagkikilala nila sa isa't isa nang masinsinan upang tantiyahin ang kanilang kaakmaan bilang magkasintahan, o bilang mag-asawa. Ito ay pwede ring isang uri ng panliligaw kung saan ang dalawa ay gumagawa ng iba't ibang panlipunang aktibidad. Bagama't maraming ibig sabihin ang salitang date, ang karaniwang ibig sabihin nito ay ang pagkikita ng dalawang tao at paggawa ng iba't ibang panlipunang aktibidad bilang isang pares.
Ang mga paraan at mga nakaugaliang gawi sa pakikipag-date ay nagkakaiba batay sa bansa at kapanahunan. Ang karaniwang ideya ukol sa pag-date ay ang pagpasok sa isang relasyon ng dalawang tao upang masuri ang kanilang kaakmaan bilang isang kopol sa pamamagitan ng pagpasyal sa labas, maaaring nagtatalik sila o hindi. Ang pakikipag-date' ay karaniwang ginagawa ng isang magkasintahan bago sila mag-asawa.
Ang pakikipag-date ay kamakailan lamang naging institusyon. Sa pananaw sosyolohiya at antropolohiya ang pakikipag-date ay may kinaugnayan sa pagsasamang mag-asawa at pamilya, na mabilis ring nagbabago dahil sa ilang bagay tulad ng teknolohiya at medisina. Dala ng pag-unlad ng mga tao; mula sa pagiging isang sibilisasyon ng mangangaso at ngayon ay naging modernong lipunan, ang iba't ibang pagbabago sa relasyon ng isang lalaki at pababae. Ngunit isa sa mga patuloy na hindi magbabago ay kailangan ang pagtatalik ng lalaki at babae upang mapagpatuloy ang pagdami ng tao.