Palarong Olimpiko sa Tag-init 2016

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Palaro ng Ika-XXXI Olimpiyada
Opisyal na logo ng Olimpikong Rio 2016

Viva sua Paixão
Buhayin ang Iyong Damdamin

Punung-abalang lungsod Rio de Janeiro, Brasil
Mga kaganapan 304 sa 28 na palakasan
Seremonya ng pagbubukas Agosto 5
Seremonya ng pagtatapos Agosto 21
Estadyo Estadyong Maracanã

Ang Palarong Olimpiko sa Tag-Init 2016, na kinilala nang opisyal bilang Palaro ng Ika-XXXI Olimpiyada, ay isang pandaigdigang pampalakasan na itinakdang isagawa sa lungsod ng Rio de Janeiro, Brasil. Nahalal ang siyudad na ito noong 2 Oktubre 2009 sa Copenhagen, Dinamarka. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na ang Palarong Olimpiko ay ilulunsad sa kontinente ng Timog Amerika.

Ang Copacabana,isa sa pagdadausan ng palaro.

Proseso ng pag-anyaya[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang pagpipili ng punong abalang lungsod ay opisyal na inilunsad noong 16 Mayo 2007. Ang unang hakbang ay ang magsumite ng inisyal na aplikasyon sa Pandaigdigang Lupong Olimpiko. Pitong lungsod ang sumagot dito.

Noong Hunyo 4,2008, pinili ang apat na lungsod na naging kandidato. Ito ang:

Noong 2 Oktubre 1999, inihalal ang punong-abalang lungsod ng Palaro.

Narito ang resulta ng halalan na ginanap sa Copenhagen, Dinamarka:

Halalan para sa Pagkapunong-abalang Lungsod 2016 — mga resultang pambalota
Lungsod Bansa (NOC) Unang Yugto Ika-2 Yugto Ika-3 Yugto
Rio de Janeiro Watawat ng Brasil Brasil 26 46 66
Madrid Watawat ng Spain Espanya 28 29 32
Tokyo Watawat ng Japan Hapon 22 20 -
Tsikago Flag of the United States Estados Unidos 18 - -