Palarong Paralimpiko

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang Palarong Paralimpiko ay isang kaganapang pampalakasan na pangmaramihan para sa mga manlalaro na may mga kapansanang pisikal at sensoryal. Kabilang dito ay mga manlalarong may kapansanang panggalaw, mga amputasyon, kabulagan, at paralising serebral. Ang Palarong Paralimpiko ay ginaganap tuwing apat na taon, kasunod ang Palarong Olimpiko, at pinamahala ng Pandaigdigang Lupong Paralimpiko (IPC). Ang Palarong Paralimpiko ay minsang nalilito sa Pandaigdigang Palaro ng Tanging Olimpiko, na para lamang sa mga taong may kapansanang intelektuwal, subali't ang mga kalahok sa Tanging Olimpiko ay maaaring maging bahagi sa palarong Paralimpiko.

Bagama't ang pangalan ay likas na nilikha nang portmanteau na pinagsama ang 'paraplegiko' (dahil sa mga pinagmulan nito bilang palaro para sa mga taong napinsala sa gulugod) 'Olimpiko',[1] ang pagsasama ng mga ibang pangkat na may kapansanan ay nangangahulugang hindi na itong itinuturing ugma. Ang kasalukuyang pormal na paliwanag para sa pangalan ay samakatuwid hinango sa Griyegong pang-ukol na παρά, pará ("katabi") at kasunod itinukoy sa paligsahang ginaganap nang kaagapay sa Palarong Olimpiko.[1]

Kasaysayan[baguhin]

Punong-himpilan ng Paralimpiko ng Mga Nagkakaisang Estado sa Colorado Springs.

Ang Palarong Paralimpiko ay mga kaganapang pampalakasan na may mataas na katangian para sa mga manlalaro mula sa mga iba't ibang pangkat na may kapansanan. Sila ay ibinalak upang mabigyang-diin ng mga tagumpay sa palakasan ng mga lumahok, hindi sa kanilang kapansanan.[1]

Sa araw ng pagbubukas ng Palarong Olimpiko sa Tag-init 1948 sa Londres, nagsaayos si Dr. Ludwig Guttmann ng Ospital ng Stoke Mandeville ng isang paligsahang pampalakasan para sa mga Britanikong beteranong pasyente ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig na may pinsala sa gulugod. Ang palaro ay ginanap muli sa parehong lugar noong 1952, at kumatig ang mga Olandes na beterano kaagapay ng mga Britaniko, na naging unang pandaigdigang paligsahan ng ganitong uri. Ang Palarong Stoke Mandeville ay nailarawan bilang mga hudyat ng Palarong Paralimpiko. Kasunod inopisyal ang Paralimpiko bilang pang-apatang taunang kaganapan na nakatali sa Palarong Olimpiko, at ang unang opisyal na Palarong Olimpiko, kung saan hindi na lamang para sa mga beterano sa digmaan, ay ginanap sa Roma noong 1960.[2][3] Sa Palarong Toronto 1976 ang mga ibang pangkat ng mga manlalaro na may iba't ibang kapansanan ay ibinilang.

Ang kilusan ay lumaki nang madulaan mula sa mga unang araw na ito – halimbawa ang bilang ng mga manlalaro na lumahok sa Palarong Paralimpiko sa Tag-init ay lumaki mula sa 400 manlalaro sa Roma sa humigit ng 4,200 manlalaro mula sa mga 148 bansa sa Beijing noong 2008.

Ang Palarong Paralimpiko ay ginaganap sa parehong taon na katulad sa Palarong Olimpiko. Gayumpaman, ito lamang noong 1988 na ang Palaro ay nakapagganap sa parehong lungsod, na ginagamit ang parehong lugar na pinagdausan. Noong 2001, nilagdaan ng IOC at IPC ang kasunduan na nagtitiyak na ang mga Punong-abalang Lungsod na makikipagkasundo sa pamamahala ng magkatuwang na Palarong Olimpiko at Palarong Paralimpiko na magiging mabisa mula 2012. Sa kasalukuyan, ang Pandaigdigang Lupong Paralimpiko (IPC) ay pandaigdigang katawan ng pamamahala ng Kilusang Paralimpiko; nagsasaayos ng Palarong Paralimpiko sa Tag-init at Taglamig; at nagsisilbi rin bilang Pandaigdigang Pederasyon para sa 12 palakasan, na kung saan ito ay nangangasiwa at nakikipagtalastasan ang mga Pandaigdigang Kampeonato at mga iba pang paligsahan.

Palarong Tag-init[baguhin]

  Palarong Paralimpiko sa Tag-init
Taon Palaro Punong-abalang Lungsod Bansa
Palarong Paralimpiko sa Tag-init 1960 I Roma Watawat ng Italy Italya
Palarong Paralimpiko sa Tag-init 1964 II Tokyo Watawat ng Japan Hapon
Palarong Paralimpiko sa Tag-init 1968 III Tel Aviv Watawat ng Israel Israel
Palarong Paralimpiko sa Tag-init 1972 IV Heidelberg Watawat ng Alemanya Kanlurang Alemanya
Palarong Paralimpiko sa Tag-init 1976 V Toronto Watawat ng Canada Kanada
Palarong Paralimpiko sa Tag-init 1980 VI Arnhem Flag of the Netherlands Olanda
Palarong Paralimpiko sa Tag-init 1984 VII Stoke Mandeville
Bagong York
Flag of the United Kingdom Mga Nagkakaisang Kaharian
Flag of the United States Mga Nagkakaisang Estado
Palarong Paralimpiko sa Tag-init 1988 VIII Seoul Watawat ng Timog Korea Timog Koriya
Palarong Paralimpiko sa Tag-init 1992 IX Barselona Watawat ng Spain Espanya
Palarong Paralimpiko sa Tag-init 1996 X Atlanta Flag of the United States Mga Nagkakaisang Estado
Palarong Paralimpiko sa Tag-init 2000 XI Sidney Watawat ng Australia Awstralya
Palarong Paralimpiko sa Tag-init 2004 XII Atenas Watawat ng Greece Gresya
Palarong Paralimpiko sa Tag-init 2008 XIII Beijing Flag of the People's Republic of China Tsina
Palarong Paralimpiko sa Tag-init 2012 XIV Londres Flag of the United Kingdom Mga Nagkakaisang Kaharian

Palakasang pantag-init[baguhin]

Ang mga sumusunod na palakasan ay kasalukuyang nasa programa ng Palarong Paralimpiko sa Tag-init:

Palarong Taglamig[baguhin]

  Palarong Paralimpiko sa Taglamig
Taon Palaro Punong-abalang Lungsod Bansa
Palarong Paralimpiko sa Taglamig 1976 I Örnsköldsvik Watawat ng Sweden Suwesa
Palarong Paralimpiko sa Taglamig 1980 II Geilo Watawat ng Norway Noruwega
Palarong Paralimpiko sa Taglamig 1984 III Innsbruck Watawat ng Austria Awstrya
Palarong Paralimpiko sa Taglamig 1988 IV Innsbruck Watawat ng Austria Awstrya
Palarong Paralimpiko sa Taglamig 1992 V Albertville Watawat ng Pransiya Pransiya
Palarong Paralimpiko sa Taglamig 1994 VI Lillehammer Watawat ng Norway Noruwega
Palarong Paralimpiko sa Taglamig 1998 VII Nagano Watawat ng Japan Hapon
Palarong Paralimpiko sa Taglamig 2002 VIII Lungsod ng Salt Lake Flag of the United States Mga Nagkakaisang Estado
Palarong Paralimpiko sa Taglamig 2006 IX Turino Watawat ng Italy Italya
Palarong Paralimpiko sa Taglamig 2010 X Vancouver Watawat ng Canada Kanada
Palarong Paralimpiko sa Taglamig 2014 XI Sochi Watawat ng Rusya Rusya

Palakasang pantaglamig[baguhin]

Ang mga sumusunod na palakasan ay kasalukuyang nasa programa ng Palarong Paralimpiko sa Taglamig:

Mga kategoryang pangkapansanan[baguhin]

[4]

Ang mga kategoryang ito ginagamit sa parehong Paralimpikong tag-init at taglamig.

Tingnan din[baguhin]

Sanggunian[baguhin]

Karagdagang babasahin[baguhin]

  • P. David Howe, The Cultural Politics of the Paralympic Movement. Through an Anthropological Lens, Routledge, 2008, ISBN 978-0-415-28887-3

Mga panlabas na kawing[baguhin]