Palarong Paralimpiko ng ASEAN 2005

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Logo ng Ika-3 ASEAN ParaGames

Ang Ika-3 Palarong Paralimpiko ng ASEAN o 3rd ASEAN ParaGames ay ginanap sa pagtatapos ng Palaro ng Timog Silangang Asya taong 2005. Ang kaganapang pampalakasang ito ay para sa mga manlalaro na may kapansanan. Ginanap sa Lungsod ng Maynila mula Disyembre 14, 2005 hanggang Disyembre 20, 2005, ang palarong ito ay dinaluhan at nilahukan ng mga atleta na may kapansanan sa paglalakad, kapansanan sa paningin at ang may mga cerebral palsy mula sa labing-isang (11) bansa mula sa Timog-Silangang Asya. Ang mga seremonyang pagbubukas at pagsasara ay ginanap sa loob ng Intramuros, Lungsod ng Maynila, Pilipinas.

Talaan ng medalya[baguhin | baguhin ang batayan]

 Pos.  Bansa Ginto Pilak Tanso Kabuuan
1 Watawat ng Thailand Thailand 139 64 28 231
2 Watawat ng Vietnam Vietnam 80 36 22 138
3 Watawat ng Malaysia Malaysia 75 40 26 141
4 Watawat ng Indonesya Indonesia 30 26 20 76
5 Watawat ng Burma Myanmar 29 12 4 45
6 Flag of the Philippines Pilipinas 19 39 37 95
7 Watawat ng Singapore Singapore 15 9 9 33
8 Watawat ng Brunay Brunei Darussalam 7 5 5 17
9 Watawat ng Cambodia Cambodia 0 3 2 5
10 Watawat ng Laos Lao People's Democratic Republic 0 2 1 3
11 Watawat ng East Timor Timor Leste 0 0 0 0
Kabuuan 394 236 154 784

Mascot[baguhin | baguhin ang batayan]

Si Buboy Butanding, Ang opisyal na mascot ng Ikatlong Palarong Paralimpiko ng ASEAN.

Ang opisyal na mascot ng palaro ay si Buboy Butanding, hango sa isang butanding, (sa Ingles: whale shark) isa sa mga pinakamalaking uri ng isda sa buong mundo, na matatagpuan sa karagatan ng lalawigan ng Sorsogon. Si Buboy ay makikitang nakasuot ng isang salaming parasol o antipara (sun glasses) upang kumatawan sa mga may kapansanan sa paningin.

Mga larangan ng palakasan[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga larangang pang-demonstrasyon[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang mga sumusunod ay pang-demonstrasyon lamang (demonstration sports). Walang ibinibigay na medalya sa mga manlalarong nanalo sa mga larangang ito.

Mga kawing panlabas[baguhin | baguhin ang batayan]

Nasa wikang Ingles:


Pilipinas Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.
Palakasan Ang lathalaing ito na tungkol sa Palakasan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.