Paleosoiko

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Era na Paleosoiko
542 - 251 milyong taon ang nakalilipas
Mga mahahalagang pangyayari sa Paleosoiko
Ang tinatayang iskala ng panahon ng mahahalagang mga pangyayaring Paleosoiko .
Iskalang aksis: mga milyong taon ang nakalilipas.

Ang Era na Paleosoiko(mula Griyegong palaios (παλαιός), "matanda" at zoe (ζωή), "buhay", na nangangahulugang "sinaunang buhay") ang pinakauna sa mga erang heolohiko na sumasaklaw mula tinatayang 542 hanggang 251 milyong taon ang nakalilipas (ICS, 2004). Ito ang pinakamahabang ng mga era na Panerosoiko at nahahati sa mga anim na panahon mula pinakamatandang hanggang pinakabata: ang Kambriyano, Ordobisiyano, Siluriyano, Deboniyano, Karboniperoso at Permiyano. Ang Paleosoiko ay sumunod sa Neoproterosoiko ng eon na Proterosoiko at sinundan ng erang Mesosoiko. Ang Paleosoiko ay isang panahon ng dramatikong heolohikal, klimatiko at ebolusyonaryong pagbabago. Ang panahong Kambriyano ay nakasaksi ng pinaka mabilis at malawak na dibersipikasyon ng buhay sa kasaysayan ng daigdig na tinatawag na pagsabog na Kambriyano kung saan ang modernong phyla ay unang lumitaw. Ang mga isda, artropoda, mga ampibyano at mga reptilya ay lahat nag-ebolb sa panahong Paleosoiko. Ang buhay ay nagsimula sa karagatan ngunit kalaunan ay lumipat sa lupain at sa huling Paleosoiko, ito ay pinananaigan na ng iba't ibang mga anyo ng organismo. Ang mga malalaking mga gubat ng mga primitibong(sinaunang) mga halaman ay tumakip sa mga kontinente na ang karamihan ay nabuo sa mga kamang coal ng Europa at silanganing Hilagang Amerika. Tungo sa huli ng erang ito, ang malalaki at sopistikadong mga reptilya ay nanaig at ang unang modernong mga halaman na mga konipero ay lumitaw. Ang erang Paleosoiko ay nagwakas sa isang pinakamalaking ekstinksiyong pang-masa sa kasaysayan ng daigdig na pangyayaring ekstinksiyong Permiyano-Triasiko. Ang mga epekto ng katastropiyang ito ay nakapipinsala na ang buhay sa lupain ay tumagal nang mga 30 milyong tungo sa erang Mesosoiko upang makapanumbalik. [1] Ang pagpapanumbalik sa buhay na dagat ay maaaring naging mas mabilis. [2]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

Pinangunahan ng Eon na Proterosoiko 542 Ma - Eon na Panerosoiko - Kasalukuyan
542 Ma - Era na Paleosoiko - 251 Ma 251 Ma - Era na Mesosoiko - 65 Ma 65 Ma - Era na Cenosoiko - Kasalukuyan
Kambriyano Ordobisiyano Siluriyano Deboniyano Karboniperoso Permiyano Triasiko Hurasiko Kretaseyoso Paleohene Neohene Kwaternaryo