Pamahalaang Militar ng Hapon

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang Pamahalaang Militar ng Hapon ay ang isang transitional na uri ng pamahalaan ng Hapon.

Noong enero 3, 1942, itinatag ang Japanese Military Command ang Pamahalaang Militar ng Japan. Pinam- umunuan ito ng isang derektorheneral. Si Heneral Misami Maeda ang unang derektor heneral at si heneral Taej Wachi ang pangalawa at huling naging derektor heneral. Nagtatag din ng mga pampangasiwaan kagawaran upang tumulong sa drektor heneral. Ang mga ito ay kagawaran ng panloob, pananalapi, katarungan, pagsasaka at komersyo, edukasyon,kalusugan at kagalingang publiko. May mga tagapayong Hapones ang bawat kagawaran.

Hindi lahat ng opisyal at empleyadong Pilipino ay naglilingkod sa mahigpit ang pinairal na patakaran ng mga Hapones na sinunod nang may takot ng ilang Pilipino. Ang sinumang kumontra sa hukbong Hapones ay pinarurusahan. Isang proklamasyon ang ipinalabas na nagsasaad na sa bawat Hapones na mapatay ay sampung kilalang Pilipino ang kapalit na papatayin ng mga Hapones. Nagpatupad ng curfew at ipinagbawal ang pagsisindi ng ilaw kung gabi. Ipinagbawal ang paggmait ng mga shor wave radio at transmiter upang hindi mapakinggan ng mga Pilipino ang programang nasasagap mula sa Australia at America. Ipinagbawal din ang Pambansang Awit ng Pilipinas at paggamit ng bandilang Pilipino at Amerikano. Hindi na rin pinahihintulutan  ang partido pampolitika, halalan, at mga pampublikong pagpupulong. Isinara and lahat ng paaralan , palimbagan, tanggapan ng telegrapo, at estasyon ng radyo. Lahat ay ipinasailalim sa pamamahala ng mga hapones. Tinawag na Mickey-Mouse Money ang salaping papel-Hapones.