Pamamaril sa Paaralang Elementarya ng Sandy Hook

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Naganap ang pamamaril sa Paaralang Elementarya ng Sandy Hook noong 14 Disyembre 2012, kung saan pumasok si Adam Lanza, edad 20, sa Paaralang Elementarya ng Sandy Hook sa Sandy Hook, isang nayon ng Newtown, Connecticut sa Estados Unidos. Ibinaril niyang patay ang 27 katao, kabilang ang 20 bata, sa isang maramihang pamamaril. Ipinadala sa mga kalapit na ospital ang tatlo sa mga ibinaril na nasa kritikal na kalagayan, at namatay ang dalawa sa kanila dahil sa mga sugat na kanilang naitamo. Nagpakamatay naman si Lanza sa panahon ng pamamaril.

Itong pamamaril ang pinakamapagkamatay sa mga pamamaril sa paaralang naganap sa Estados Unidos makatapos ng pamamaril sa Virginia Tech noong 2007, at ikatlo sa pinakamapagkamatay sa lahat ng mga masaker na naganap sa paaralan sa naturang bansa.

Bago naganap ang pamamaril sa Sandy Hook, ibinaril at ipinatay ni Lanza ang kaniyang ina na si Nancy Lanza, isang gurong pang-kindergarten sa paaralan, sa bahay na kinatitirahan nila sa Newtown. Pagkatapos nito, nag-maneho siya patungong paaralan. Iniulat din na nawawala ang ka-relasyon at isang kaibigan ni Lanza sa estado ng Bagong Jersey.


Estados UnidosKasaysayan Ang lathalaing ito na tungkol sa Estados Unidos at Kasaysayan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.