Pambansang Mataas na Paaralan sa Alaala ni Don Vicente Rama

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang unang mataas na paaralan sa timog ng siyudad ng Cebu ay nabuksan noong 7 Hunyo 1993 at kumuha ng pangalan na Cebu City Don Carlos A. Gothong Memorial National High School – Basak Extension sa pamamagitan ng DECS Order No. 5, series of 1989. Ito ay naging posible sa pamamagitan ng pinagsamasamang pagsisikap ng Kagawaran ng Edukasyon, Culture and Sports na ngayon ay Dep-Ed, Dibisyon ng Cebu City na pinanguguluhan ni Dr. Dolores P. Abellanosa at ang Cebu City Government kasama si Hon. Alvin B. Garcia bilang Mayor. Ang unang punung-guro ay si Dr. Matilde R. Mayonila. Ang salawikain ng paaralan ay "Knowledge, Virtue, Productivity".

Nagsimula ang paaralan na may 300 mag-aaral sa unang baitang/taon sa 50 seksiyon. Nagkaroon ng labing-isang tagapangunang mga guro na sina Gng. Lilibeth Tujan, Gng. Ruby Enriquez, Gng. Agnes Alfajardo, ang namayapang si Gng. Agustita Gabrera, Gng. Fermencita Pacaña, Gng. Josefina Bacalso, Bb. Teresa Baril, Gg. Ricardo Diola, ang namayapang si Gg. Mario Gabuya, Gg. Severino Panton at si Gng. Evelyn Hinon.

Naging indepindiente ang paaralan sa pamamagitan ng pambansang pagpopondo noong 9 Oktubre 1993. Sa sumunod na taon, nagkaroon ng bagong pangalan ang paaralan, ang Basak National High School. Sa pamamagitan ng resolusyon ng Sangguniang Panlungsod noong 2004, ang pangalan na Basak National High School ay pinalitan ng Don Vicente Rama Memorial National High School.

Ang katukayong ito ay naging kinatawan ng ikatlong distritong instrumental ng Cebu bilang may-akda at panukala ng panukalang-batas sa pagkakagawa ng Siyudad ng Cebu at naisabatas bilang Commonwealth Act No. 58 sa pamamagitan ng Philippine Congress noong ika-20 Oktubre 1936. Siya ay kilala rin bilang "Ama ng Cebu City Charter".

Pangitain (Vision)[baguhin]

Sa Ingles (orihinal)[baguhin]

Don Vicente Rama Memorial National High School envisions its students and graduates to be men and women fully optimistic, friendly, endowed with a passion for learning and the skills for development.

Sa Filipino[baguhin]

Ang Pambansang Mataas na Paaralan sa Alaala ni Don Vicente Rama ay nagpapakita na ang kanyang mga mag-aaral at tapos ay dapat maging positibo, mabait, mayroong pagkahumaling na matuto at mga kakayahan sa pag-unlad.

Layunin (Mission)[baguhin]

Sa Ingles (orihinal)[baguhin]

Commit to providing virtues-based and quality instruction, programs, and experiences involving community gearing towards excellence inspired by steadfast faith in God.

Sa Filipino[baguhin]

Nakatuon sa pagbibigay mabuti at dekalidad na pagtuturo, mga programa, at mga karanasang sangkot ang komunidad, naglalayon patungo sa kahusayan at ispirado ng tapat na pananalig sa Maykapal.