Pampalambot ng laman

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Isang pampalambot ng laman sa isang sangkalan. Pansinin ang mga maliliit na talim.

Ang pampalambot ng laman ay maaaring tumukoy sa isang kagamitan o sustansiyang ginagamit sa pagpapalambot ng laman.

Pinapalambot ng paggamit ng masong pangkarne ang laman sa pamamagitan ng pagpapahina ng mga hibla. Sa ganito, napapadali ang pagnguya sa laman o karne. Nakakatulong din ang maso sa paghanda ng isteyk ng mababang kalidad, na higit pang napapahusay kapag iniihaw o piniprito ito.[1]

Maaari ring gamitin ang mga sustansiya o ensima bilang pampalambot ng laman. Ilan sa mga halimbawa nito ang yogur[2][3], serbesa,[4][5], o alak.[4][6][7] Pagdating sa alak, ang pangkalahatang tuntunin ay ang alak pula ay para sa karneng pula at alak puti para sa manok, gulay, at isda.[7] Dahil sa init ng pagluto, nawawala rin ang tama at lasa ng alkool.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]



Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.