Pampangulong pagpapasinaya 2009 ni Barack Obama

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Si Barack Obama na nanumpa bilang ika-44 pangulo ng Estados Unidos

Ang 2009 pagpapasinaya ni Barack Obama bilang ika-44 na Pangulo ng Estados Unidos ay isinagawa noong Enero 21, 2009 sa ilalim ng probisyon ng Ika-20 Enmyenda sa saligang batas ng Estados Unidos. Ang pagpapasinaya ang nagtalaga sa apat na taong termino nila Barack Obama at Joe Biden bilang pangulo at pangalawang pangulo. Ang naging tema ng pagpapasinaya ay ang "A New Birth of Freedom" (Ang bagong kapanganakan ng kalayaan), na gumugunita sa ika-200 kaarawan ni Abraham Lincoln.[1]

Ang opisyal na kaganapan sa pagpapasinaya ay isinagawa noong Enero 17 sa pagsakay ng tren n nagsimula sa Philadelphia, Pennsylvania na may paghinto sa Wilmington, Delaware at sa Baltimore, Maryland bago tumuloy sa Washington, D.C. bilang huling destinasyon.[2] Tinatayang may 1.8 milyong katao ang inisyal na tantsa sa mga panauhin para sa seremonya ng panunumpa.[3] Ang naturang kaganapan ay itinalaga sa Washington mula Enero 18-21, 2009.[4]

Mga preliminaryo[baguhin | baguhin ang batayan]

Pagsakay sa tren[baguhin | baguhin ang batayan]

Pasakay sa Georgia 300

Ang pagsimula ng pagpapasinaya ay alay sa alaala ni Abraham Lincoln, ang ika-16 pangulo ng Estados Unidos. Naglakbay si Lincoln gamit ang pampasaherong tren mula Philadelphia hanggang Washington, D.C. noong 1861.[5] Huminto si Lincoln sa 70 lugar habang patungo siya sa kanyang pagpapasinaya, ngunit ang kanyang paglilibot ay nagsimula sa Springfield, Illinois noong Pebrero 11, 1861 bago siya nakarating sa Philadelphia noong Pebrero 21.[6]

Sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]


Kawing panlabas[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga talumpati[baguhin | baguhin ang batayan]