Pandaigdigang Araw ng Kabataan 2002

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
ika-17 Pandigdigang Araw ng Kabataan 2002

"Kayo ang asin ng mundo…kayo ang liwanag ng sanlibutan." (Mateo 5:13-14)

Location Toronto, Watawat ng CanadaCanada
Date 23–28 Agosto 2002

Ang Pandaigdigang Araw ng Kabataan 2002 ay isang pagdiriwang ng kabataan ng Simbahang Romano Katoliko na isinagawa mula Hulyo 23–28, 2002 sa Toronto, Canada.

Ang kaganapan na ito ay isang aksiyon ng pananampalataya at serbisyo patungo sa humanidad. 100,000 pilgrimo ang dumagsa sa Toronto at binati sila ng higit-kumulang 25,000 mga boluntaryo. Lahat ng mga pilgrimo ay nagsagawa ng kaliitliitang tatlong oras ng serbisyo sa mga nangangailangan.

Isang malaking resulta ng pagtitipong ito ay ang pagkatatag ng Salt + Light Television, ang pinaunang Katolikong estasyon ng telebisyon sa Canada. Ito ay mula kay Thomas Rosica, isang pari sa Toronto na pinuno ng organisasyon para sa WYD2002.

Mga Araw sa Episkupo[baguhin]

Kayo ay mga paslit lamang, pero matanda na ang Papa. Ngunit…nakakita na ako ng ebidensiya na…walang kahirapan, walang katakutan ang napakalaki na maipapatay nito ang pag-asa na dumadaloy sa puso ng kabataan. Kayo ang aming pag-asa, ang kabataan an gating pag-asa.[1]

Juan Paulo II

Itinatag bilang isang integral na bahagi ng WYD ang mga Araw sa Episkupo sa Toronto.

Ito ay unang ginanap bilang Bario Fiesta noong WYD1995 sa Maynila.

Ang serye ng pagtitipon ng mga pilgrimo upang magdasal at magsaya ay ikinukumpol sa iba’t ibang parokya ng punong at malalapit na episkupo.

Huling WYD ni Juan Paulo II[baguhin]

Sa kaniyang paghihina, may mga usap-usapan na hindi makakarating and Santo Papa para sa okasyon.

Sa kaniyang mensahe ng pagdating, pinasalamatan niya ang mga gobyerno ng Toronto, Ontario, at Canada para sa kanilang suporta sa pagka-punong-abala para sa WYD. Pinabalikan niya ang kaniyang huling bisita sa Canada at inamin niyang hindi na siya ganung kalakas sa katawan.[2]

Nakisali si Juan Paulo II sa lahat ng malalaking pangyayari ng linggo. Kahit na hindi siya nakisali sa pagpunta sa lugar kung saan isinagawa ang mga Estasyon ng Krus, pinanood niya ito gamit ang pagsasahimpapawid mula sa S+L TV at ng Canadian Broadcasting Corporation (CBC).

Pinamunuan niya ang Bigil noong Sabado at at Santa Misa noong Linggo, kung saan ang pokus ng kaniyang sermon ay sa pag-asa at hinaharap ng Simbahang Katoliko kasama ang kabataan ng mundo. Aabot ng 850,000 katao ang nasa Liwasang Downsview para sa okasyong iyon.[3]

Silipin Din[baguhin]

Mga Sanggunian[baguhin]

Kawing Panlabas[baguhin]

Wikipedia-logo-en.png
Tingnan ang katumbas na artikulo sa English Wikipedia para sa mas malawak na pagtalakay ng paksang ito.