Pandava

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Draupadi at mga Pandava

Sa epikong Hindu na Mahābhārata, ang Pandava (Sanskrit: पाण्‍डव pāṇḍavaḥ; o Pandawa) ang limang mga kinikilalang mga anak na lalake ni Pandu (Sanskrit: पांडु) sa kanyang dalawang asawang sina Kunti at Madri. Ang kanilang mga pangalan ay Yudhisthira, Bhima, Arjuna, Nakula at Sahadeva. Ang lahat ng limang mga magkakapatid ay ikinasal sa parehong babaeng si Draupadi. Ang bawat kapatid ay may marami ring mga ibang asawa.