Panghilagang Hemispero

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Ang Hilagang Hemispero na pinagliwanag sa pamamagitan ng dilaw na kulay.
Ang Panghilagang Hemispero na tinatanaw magmula sa habang nasa ibabaw ng Panghilagang Polo.

Ang Panghilagang Hemispero o Hilagaing Hemispero (Ingles: Northern Hemisphere) ay ang bahagi ng Daigdig (Mundo) na nasa hilaga ng ekwador. Ang salitang "hemispero" (mula sa Griyegong σφαιρα [espero o bilog] + ημι [kalahati]) ay literal na may kahulugang 'kalahati ng bola' o 'kalahati ng bilog'. Ito rin ang kalahati ng esperong selestiyal na nasa timog ng ekwator na selestiyal.

Ang Hilagang Hemispero ay tinatawag ding Panghilagang Kalahati ng Mundo, Panghilagang Hati ng Daigdig, o Panghilagang Hati ng Globo. Naririto ang halos 90 bahagdan ng populasyon ng mundo at ang karamihan sa mga lupain ng mundo. Ang kalahatan ng Hilagang Amerika at ng Europa ay nakapaloob sa Hilagang Hemispero. Nasa Hilagang Hemispero rin ang karamihan sa mga bahagi ng Asya, dalawang-ikatlo (2/3) ng Aprika at 10 bahagdan ng Timog Amerika. Ang tatlong pinakamalalaking mga bansa ayon sa populasyon (Tsina, India, at Estados Unidos ay nasa loob ng Hilagang Hemispero.

Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]


Heograpiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Heograpiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.