Pangulo ng Apganistan

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Pangulo ng ng
Islamikong Republika ng Afghanistan
Emblem of Afghanistan.svg
Official Emblem
Hamid Karzai 2004-06-14.jpg
Nakaupo
Hamid Karzai

simula Disyembre 7, 2004
Istilo Ang Kamahalan
Nagtalaga Direct popular vote
Haba ng taning Limang taon
Inaugural holder Mohammed Daoud Khan
Pagbuo Hulyo 17, 1973 (unang republika)
Websayt Tanggapan ng Pangulo
Apganistan

Ang lathalaing ito ay bahagi ng mga serye:
Politika at pamahalaan ng
Apganistan



Mga ibang bansa · Kalipunan ng mga mapa
 Portal ng Pulitika
tingnan · usapan · baguhin

Naging republika lang ang Apganistan noong 1973 hanggang 1992 at mula 2001 hanggang sa kasalukuyan. Bago ang taong 1973 ang estado ay palaging pinamumunuan ng alin man sa mga hari, emir o shah. Nasa pamamahala ito ng mujahideen at rehimeng Taliban mula 1992 hanggang sa huling bahagi ng 2001.

Si Mohammed Daoud Khan ang naging unang pangulo ng Apganistan noong 1973, matapos niyang wakasan ang kaharian ng kanyang pinsan na si Mohammed Zahir Shah sa isang hindi bayolenteng kudeta. Pinatay siya noong 1978 ng mga kasapi ng Demokratikong Partido ng mga Tao ng Apganistan na pumili kay Nur Muhammad Taraki bilang kanilang pangulo. Sa kasagsagan ng dekada 1980 at 90 pinamunuan ang bansa ng iba't-ibang mga pangulo, kasama na sina Hafizullah Amin, Babrak Karmal, Mohammad Najibullah, at Burhanuddin Rabbani. Simula noong Disyembre22, 2001, pinamumunuan na ang Apganistan ng Pamamahalan ni Karzai sa ilalim ni Pangulong Hamid Karzai.

Binibigyan ng Saligang-Batas ng Apganistan ang pangulo ng malawak na kapangyarihan sa usaping militar at lehislatibo, at may mahinang hawak sa pambansang parlamento. Ito ang ilan sa mga paksang pinagtalunan sa loya jirga ng bansa noong Disyembre 2003. Subalit, nakita ito ng pansamantalang pamamahala at ng mga sumusuportang kanluranin na mahalaga sa katatagan ng Apganistan.

Tingnan rin[baguhin]

Mga kawing panlabas[baguhin]