Pangulo ng Republika ng Tsina

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang Pangulo ng Republika ng Tsina ay ang pinuno ng estado ng Republika ng Tsina (ROC) (karaniwang kilala bilang Taywan noong dekada 1970). Itinatag noong 1911 and Republika ng Tsina na namuno sa buong Tsina. Gayunpaman, bilang resulta ng Digmaang Sibil ng Tsina, nawalan ng Republika ng Tsina ang kontrol nito sa Tsinang Kontinental sa mga Komunista habang nananatili pa rin ang pamumuno nito sa Taywan, Penghu, Kinmen, Matsu at ibang mga pulo. Itinatag naman ng mga Komunista ang Republikang Popular ng Tsina (PRC) sa Tsinang Kontinental na tinataguriang nag-iisang pamahalaan ng buong Tsina.

Ang umiiral na pamunuan ay ibinuo noong 1948 sa ilalim ng 1947 Saligang Batas ng Republika ng Tsina at impormal naman itong itinuturing bilang "Pangulo ng Taywan" (Tsinong tradisyunal: 臺灣總統; Tsinong payak: 台湾总統).

Hindi kinikilala ng PRC ang pag-iral ng ROC. Hanggang noong huling bahagi ng dekada 1980, ginamit ng PRC ang mga tandang panipi na naglilibot sa mga salita para sa lahat ng mga opisyal na posisyon at organisasyon ng ROC tulad ng "Pangulo" at "pamahalaan" upang mangahulugan ng 'di-pagkilala nito, isang gawing ginawa rin ng ROC. Noong gitnang bahagi ng dekada 1990, ang pamantayang gawi ng mga pahayagan sa PRC ay ang pagtawag sa pamahalaan ng ROC bilang "pamunuan ng Taywan" (Tsinong tradisyunal: 臺灣當局; Tsinong payak: 台湾当局) at ang Pangulo ng ROC bilang "pinuno ng Sona ng Taywan" (Tsinong tradisyunal: 臺灣地區領導人; Tsinong payak: 台湾地区领导人), kung saan ang dalawang mga terminolohiya ay hindi ginagamit kasabay ng mga tandang panipi.[1]

Mga sanggunian[baguhin]


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.