Paquito Bolero
Si Paquito Bolero Francisco Herrera del Rosario sa tunay na buhay ay isang artistang Pilipino na unang pelikula niya siya ay isang aktor subalit nasundan agad iyon ng pelikula bilang isang batikang direktor ng dekada 1940 at 1950. Isinilang noong 1919, Ibong Sawi ang una niyang nilabasan bilang suporta sa bida sa ilalim ng Excelsior Pictures.
Pagkatapos ng Ikalwang Digmaang Pandaigdig sunud-sunod na ang pelikula niyang mga idinirihe at nauna dito noong 1946 ang Oo Ako'y Espiya ng Sta Maria Pictures. Gumawa siya ng tatlong pelikula sa Sampaguita Pictures iyon ay ang Kaaway ng Bayan ni Oscar Moreno, ang komedyang Maria Kapra ni Angel Esmeralda at ang musikal na Kaputol ng Isang Awit.
Hindi niya nasubukang magdirihe sa LVN Pictures subalit nakatatlo siya sa Premiere Productions ang Hamak na Dakila ni Jose Padilla, Jr., Itanong Mo sa Bulaklak? ni Rosa del Rosario at ang Bakit Ako Luluha? ni Virginia Montes.
Halos dalawang taon wala siyang pelikula 1952-1953 ngunit sa pagbabalik niya ay ginawa niya ang Agua bendita ng FDR Pictures na siya rin huling pelikula niya.
Pelikula
[baguhin | baguhin ang wikitext]- 1941 - Ibong Sawi
- 1946 - OO Ako'y Espiya
- 1947 - Kaaway ng Bayan
- 1947 - Hanggang Langit
- 1947 - Maria Kapra
- 1948 - Hamak na Dakila
- 1948 - Itanong Mo sa Bulaklak
- 1948 - Kaputol ng Isang Awit
- 1948 - Ang Vengador
- 1949 - Bakit Ako Luluha?
- 1949 - Carmencita mía
- 1949 - Kung Sakali Ma't Salat
- 1949 - Kumakaway Ka pa Irog
- 1950 - Tubig na Hinugasan
- 1950 - Bella vendetta
- 1950 - Ang Magpapawid
- 1951 - Rosario Cantada
- 1951 - Apoy na Ginatungan
- 1954 - Agua bendita