Parisan

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Sa pagtatapos ng paggawa ng payak o basikong padron, na tinatawag na pattern blocks, (e.g. sleeve block, front bodice block, etc.) ito ay nilalagyan ng ilang mahahalagang impormasyon ukol sa uri at spesipikasyon nito upang mas madali itong unawain ng mga mananahi, lalung-lalo na sa mga kompanyang may kinalaman sa maramihang produksiyon (mass production) ng mga damit. Sa maramihang produksiyon ng damit, ang tawag sa bawat pattern ay sloper (e.g. sleeve sloper, bodice sloper, etc.)

Mga nilalaman ng padron[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga Dapat na Nilalaman ng Pattern:

1.Center Front / Center Back – Sa paggawa ng pattern, isang kabila lamang ng katawan ang ginagawaan ng pattern, dahil na rin sa parehas o halos parehas lang naman ang katawan kapag hinati ito sa gitna. Ang tawag sa linyang ito na naghahati ay Center Front (CF) kung sa harapan at Center Back (CB) naman pag sa likuran. Para sa mga bodice blocks, ang CF at CB ay mula sa isang punto sa gitna ng leeg hanggang sa gitna nang bewang. Para naman sa mga skirt blocks (na siya ring pinagbabasehan sa paggawa ng pantalon at shorts), ito ay mula sa gitna ng bewang hanggan sa nais na haba ng palda. Ang CF at CB ay mga tuwid na linya, kaya nga’t kadalasan doon na rin ibinabase ang grainline.

2.Grainline – grainline ay ang guhit na sumusunod sa direksyun ng mga sinulid (yarn) sa tela. Ito ay maaaring patayo (lengthwise grain) na sumusunod sa mga patayong yarns (warp yarns) o pahiga (crosswise grain) na sumusunod sa mga pahigang yarns (weft / filling yarns).

3.Dami ng Piraso (Cut Number) – ito ang tumutukoy kung ilang piraso ng isang pattern ang kailangan upang makumpleto ang isang disenyo ng damit. Halimbawa, sa sleeve sloper, karaniwang nakalagay ang Cut 2 na ang ibig sabihin ay dalawang piraso ang kailangan putulin na piraso ng pattern sa tela upang mabuo ang isang damit.

4.Laki (Size) – tumutukoy sa laki ng pattern o laki ng tao na kakasya sa pattern kapag yari na ito sa isang damit. Ito ay nakabase sa isang standard measurement chart. Ang sukat na kadalasang ginagamit upang malaman kung ano ang laki ng isang pattern, o upang malaman kung gaano kalaking pattern ang gagawin, ay ang sukat ng dibdib (bust) at bewang (waist). Halimbawa, sa isang Size 6 na pattern para sa damit pambababe, ang dibdib ay may sukat na 33 pulgada at ang bewang naman ay 24 pulgada. Ang mga sukat ay depende sa measurement chart na ginamit (maaaring iyong standard sa US, sa Europe, o sa Asia).

5.Pangalan ng Pattern (Name of Pattern Part) – tinutukoy nito kung anong parte ng damit ang pattern na ginawa, halimbawa sleeve, o bodice, at kung ito ba ay harapan o likuran. Halimbawa, Front Sleeve, Back Bodice, etc.

6.Uri ng Istilo (Style Number / Code Number) – ang uri ng istilo ay kadalasang ginagamit sa mga maramihang produksiyon, kung saan iba’t-ibang istilo ng damit ang ginagawa. Para sa mga isahang damit o mga simpleng pattern lang, ang kadalasang inilalagay ay Basic o Stylized lang. Halimbawa, Basic Front Bodice, Stylized Front Skirt, etc.

7.Mga Gatla (Notches) – ang mga notches ay mga marka na siyang nagtatanda kung saan magtatagpo ang mga parte ng pattern kapag nailapat na ang mga ito sa tela at tatahiin na. Karaniwang hitsura ng mga ito ay mga letrang T na nakakabit sa alinmang linya ng pagtatahian (seam line).

8.Mga Marka at Simbolo – Mayroong mga iba't-ibang marka na ginagamit sa pagpapattern. Ang simbolo ng cut-on-fold ay inilalagay sa isang gilid ng pattern na inilalapat sa fold o tupi ng tela. Karaniwan itong inilalagay sa CF at CB na siyang naghahati sa damit. Dahil nga kalahati lang ng damit ang mga patterns, inilalagay ang cut-on-fold upang malaman na isang buo ang kalalabasan pagkaputol ng tela. Ang ilan pang marka na inilalagay ay ang mga markang tumutukoy sa mga pleats, tucks o gathers. Ang mga ito ay kadalasang mga putol-putol na linya. Ang ginagamit naman sa pagmamarka ng butones at pagkakabitan ng bulsa at siper ay kadalasang mga balagbag na linya (+).

Iba't-ibang mga nilalaman ng pattern ang ginagamit ng iba't-ibang mga kompanya at patternmaker. Maging ang mga marka at simbolong ginagamit ay maaaring may pagkakaiba.

Mga sanggunian:[baguhin | baguhin ang batayan]

University of the Philippines BS Clothing Technology courses:

CT 27 - Basic of Clothing Production

CT 117 - Pattern Drafting and Grading 1

<http://www.diceyhome.free-online.co.uk/KatePages/Learning/patterns/pattern_symbols.htm />

<http://www.taunton.com/threads/pages/nmt037_31.asp />