Partido Komunista ng Pilipinas

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang Partido Komunista ng Pilipinas (PKP, Ingles: Communist Party of the Philippines) ay ang pangunahing partido Komunista sa Pilipinas. Binuo ang partido sa isang malayong barangay sa lungsod ng Alaminos, Pangasinan noong 26 Disyembre 1968 ni Jose Maria Sison,[1] alinsunod sa pagbiyak nito mula sa nakatatandang Partido Komunista ng Pilipinas. Itinyak ni Sison ang pagsilang nito sa Barangay Dulacac sa tatluhang hangganan ng Alaminos, Bani at Mabini sa Pangasinan, kung saan itinanghal ang "kongreso ng muling pagtatag" ng PKP sa isang barung-barong malapit sa bahay ng mga Navarette, ang mga magulang sa kasal ni Arthur Garcia, isa sa mga tagapagtaguyod ng PKP.[2] Inihayag ni Sison na ang mga gerilyang Komunista at nagtanghal ng mga "gawaing kultural" at nagdiriwangng ika-39 anibersaryo ng kilusan.[3] Noong 26 Disyembre 2007, idiniriwang naman ng Partido Komunista ng Pilipinas ang ika-39 anibersaryo nito.

Maoista ang ideolohiya ng PKP at lumalaban ito ng "digmaang bayan" sa pamamagitan ng armadong sangay nito, ang Bagong Hukbong Bayan, simula ng 1969. Nakikilahok ito sa Maoistang Pandaigdigang Kumperensiya ng mga Partido at Organisasyong Marxista-Leninista. Namumuno rin ang PKP sa Pambansang Prenteng Demokratiko.

Mga sanggunian[baguhin]