Patrice Lumumba

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Patrice Lumumba
Patrice Lumumba

Si Patrice E. Lumumba, punong-ministro ng Congo.


Panunungkulan
24 Hunyo 1960 – 14 Setyembre 1960
Deputy Antoine Gizenga
Sinundan si Pamahalaang kolonyal
Sinundan ni Joseph Ileo

Kapanganakan 2 Hulyo 1925(1925-07-02)
Onalua, Katakokombe, Congong Belhiyako
Kamatayan 17 Enero 1961 (edad 35)
Elisabethville, Katanga
Partidong politikal MNC

Si Patrice Émery Lumumba o Patrice Emergy Lumumba[1] (2 Hulyo, 192517 Enero, 1961) ay isang Aprikanong pinuno na laban sa kolonyalismo at unang legal na nahalal sa pagka-Punong ministro ng Republika ng Congo makaraan niyang tumulong sa pagkakamit ng kasarinlan mula sa Belgium noong Hunyo 1960. Makaraan lamang ang sampung linggo, naalis ang pamahalaan ni Lumumba dahil sa isang coup d'etat noong panahon ng Krisis ng Congo. Ipinakulong siya at sumailalim sa isang asesinasyon.

Talambuhay[baguhin | baguhin ang batayan]

Isinilang ang makabayang pinunong Kongoles na ito sa Katako Kombe, lalawigan ng Kawai. Bilang pinuno ng Mouvement National Congolais, sinubukan niyang magkaroon ng pagkakaisa sa Congo, na tinatanggihan ang pagkakaroon ng kasarinlan ng lalawigan ng Katanga noong Hulyo 1960. Naalis siya sa tungkulin dahil sa coup ni Koronel Joseph-Désiré Mobutu (kilala rin bilang Mobutu Sese Seko at Mobutu Sese Seko Nkuku Ngbendu wa Za Banga) noong Setyembre 1960 at ibinilanggo sa kaniyang sariling tahanan. Nakatakas siya subalit muling nahuli, at inilipad sa Elisabethville, Katanga, kung saan muli siyang nakatakas ngunit inihayag na napatay ng kaniyang mga kaaway sa politika.[1]

Sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]