Pumunta sa nilalaman

Paul Pugita

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Si Paul Pugita

Si Paul sa kanyang tangke, katabi ang isang bursiging pamputbol na may mga kulay ng watawat ng Alemanya
(Mga) ibang turing Paul Oktopus, Paul der Krake
Kaurian Octopus vulgaris
Kasarian Lalaki
Ipinanganak Enero 2008
Weymouth, Dorset
Namatay 26 Oktubre 2010
Oberhausen
Ikinabubuhay Pang-ekshibit, Manghuhula sa Panditang Sipaang-bola
Kinilala bilang Nanghuhula ng mga resulta ng mga labanan ng sipaang-bola ng Alemanya
May-ari Mga Sea Life Centre (tagabantay ng akwaryum: Oliver Walenciak)
Ipinangalan Isang tula ni Boy Lornsen na pinamagatang Der Tintenfisch Paul Oktopus

Si Paul Pugita (napisa noong Enero 2008 - 26 Oktubre 2010, Oberhausen) ay isang karaniwang pugita na nakatira sa isang tangke sa Sentro ng mga Buhay sa Dagat sa Oberhausen, Alemanya, na ginagamit bilang isang manghuhulang hayop upang mahulaan ng mga resulta ng mga labanan ng laro ng sipaan ng bola, karaniwang mga labanan pandaigdigan kung saan naglalaro ang bansang Alemanya. Kinuha niya ang pandaigdigang pansin na may mga tumpak na hula sa Pandaigdigang Laro ng Sipaang-bola 2010.

Habang may malakas ang kutob, ipinakita kay Paul Pugita ng dalawang kahong nilalaman ng pagkain sa anyo ng isang tahong, bawat isa ay may palatandaan ng watawat ng pambansang kuponan sa sipaan ng bola sa inaasahang darating na labanan. Pinili niya ang kahon na may watawat ng nananalong kuponan sa apat ng anim na labanang Euro 2008 ng Alemanya, at sa lahat ng pito ng kanilang labanan sa Pandaigdigang Laro 2010. Hinulaan niya nang tumpak ang pagkapanalo ng Espanya laban sa Olanda sa huling laro ng Pandaigdigang Laro noong ika-11 ng Hulyo sa pamamamgitan ng pagkakain ng tahong sa kahon na may watawat ng Espanya na nakadikit.[1] Ang kanyang mga hula ay sa ganun nakakuha ng tama nang 100% (8/8) ukol sa Pandaigdigang Laro 2010 at 86% (12/14) as pangkalahatan. Nagretiro si Paul pagkatapos ng Pandaigdigang Laro ng Sipaang ng Bola 2010.

Napisa ang itlog ni Paul sa Sentro ng mga Buhay sa Dagat sa Weymouth, Ingglatera, at nilipat na nasa loob ng isang tangke sa isa sa mga sangay ng sentro sa Oberhausen, Alemanya.[2] Ang kanyang pangalan ay hinango mula sa pamagat ng isang tula na nilikha ng Alemang pambatang manunulat na si Boy Lornsen: Der Tintenfisch Paul Oktopus.[3][4]

Kinabukasan, inulat ng ESPN, isang Amerikanong himpilan ng kableng pantelebisyon, na pahayag na may nilikha ng isang Italyanong mamamahayag na si Verena Bartsch na si Paul Pugita ay nahuli noong Abril 2010 sa may Pulo ng Elba.[5] Tumugon ang mga taga-Sea Life Centre na ito ay mapanganib kung pinakawalan siya, sapagka't ipinanganak siya sa pagkakapukot, at hindi sanay sa paghuli ng pagkain para sa sarili niya.[6]

Ayon sa DPA, nakakolekta ang mga pampook na negosyante sa O Carballiño, isang bayan sa Galisya, Espanya, ng halos €30,000 bilang "butaw ng paglilipat" upang kunin si Paul bilang pangunahing palabas na pangmadla ng pampook na Kapistahang Fiesta del Pulpo.[7] Si Manuel Pazo, isang mangingisda at puno ng pampook na samahan sa pangangalakal, ay gumawa ng katiyakan na ipapakita si Paul na buhay sa tangke at hindi sa talaan ng mga pagkain. Nguni't tinanggihan ng mga taga-Sea Life Centre ang mga alok.[8]

Kabilang sa mga paratang ng pagkakanulo ng pahayagang Aleman Westfälische Rundschau, ipinangako ng punong ministro ng Espanya na si José Luis Rodríguez Zapatero na magpadala ng isang kuponan ng mga tanod upang ikalinga si Paul, habang sianbi ng ministro ng kapaligiran na si Elena Espinosa na maghahanay siya para kay Paul na ilagay sa kalagayan ng mga nanganganib na maubusan upang hindi makain ng mga Aleman.[9]

Inaasahang mamamatay si Paul Pugita bago ang pagsapit ng Larong Pang-Europeo sa Sipaan ng Bola 2012, gaya ng mga pugita tulad ni Paul na nabubuhay lamang sa loob ng nasa kainaman na hindi hihigit sa dalawang taon. Sabi ng may-ari nito na wala na siyang mahuhulaan nang marami sa susunod, na nagdudulot ng pagreretiro ni Paul.[10]

Ipinakita kay Paul ang dalawang kahong plastik. Ang mga pagkain ay nakikita sa mga kaliwang gilid.

Nagsimula ang karera ni Paul bilang manghuhula sa kapanahunan ng paligsahang Larong Pang-Europeo ng Sipaan ng Bola 2008.[2][4][11] Sa pamumuno ng pandaigdigang labanan ng sipaang-bola ng Alemanya, ipinakita kay Paul ang dalawang malinaw na kahong plastik, bawat isa ay may nilalamang pagkain: isang tahong o isang talaba. Bawat lalagyan ay may tatak na mga watawat ng isang kuponan, isa ang watawat ng Alemanya, at ang iba ang watawat ng katunggali ng Alemanya. Ang kahon na unang binuksan ni Paul (at kinain ng nilalaman nito) ay nahatulan bilang nahulaang panalo ng laro.[12]

Ang nakikitang tagumpay ni Paul ay nahahambing sa pag-aangkas ng kapalaran sa paghitsalo ng barya. Nilikha ang kaugnayan nito ni Propesor Chris Budd ng Pamantasan ng Bath, Propesor David Spiegelharter ng Pamantasan ng Cambridge, at Etienne Roquain ng Pamantasang Pierre at Marie Curie sa Paris.[13][14]

Sa ilalim ng hinuha na si Paul Pugita ay malamang nang patas na pipili ng nanalo o natalo ng isang labanan, at ikinakalingat ang anumang bagay ng maaaring mangyari ng isang tabla, mayroon siyang isang 1/2 pagkakataong maghula ng isahang resulta at isang 1/256 pagkakataong maghula sa wala sa halayhay. Binigyang-diin nina piegelharter at Roquain na may "mga ibang hayop na nakapagtangka nguni't nabigo na mahulaan ang kinahinatnan ng mga labanan sa sipaang-bola"; hindi ito kapansin-pansin na ang isang hayop ay higit na matagumpay kaysa sa mga iba (kasama ang mga tao), at ang mga matagumpay na hayop lamang ang nakakamit ng pampublikong pansin pagkatapos ng pangayayri.[13][14] Gayumpaman, kung si Paul at ang mga iba pang pugita[15] ay may naramdamang kapansin-pansin ukol sa mga alinmang dahilan sa mga nakawatawat na kahon ng Alemanya o Espanya, ang kanilang mga panghuhula ay higit na masayap kaysa sa paghihitsalo ng isang barya. Ang mga ito ay ginagamit lamang para sa mga kasalukuyang pagsasagawa ng mga pandaigdigang paligsahan ng sipaang-bola, subali't mabibigo ukol sa anumang ibang tanong.[kailangan ng sanggunian]

Mga panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Christenson, Marcus. "Manghuhulang pugita nahulaan ang Espanya na tatalunin ang Olanda sa huling laro ng Pandaigdigang Laro 2010", The Guardian, ika-9 ng Hulyo, 2010.
  2. 2.0 2.1 "World Cup 2010: 10 things you didn't know about Paul the psychic octopus", The Telegraph, Ika-7 ng Hulyo, 2010, inarkibo mula sa orihinal noong 2012-06-30, nakuha noong ika-7 ng Hulyo, 2010 {{citation}}: Check date values in: |accessdate= at |date= (tulong)
  3. Inakda sa Das alte Schwein lebt immer noch: Boy Lornsens Tierleben, Schneekluth (1985), ISBN 978-3-7951-0941-7. Muling inakda sa at may eponim ng antolohiyaDer Tintenfisch Paul Oktopus. Gedichte für neugierige Kinder, 2009, Manfred Boje Verlag ISBN 978-3-414-82148-5
  4. 4.0 4.1 Silver, Dan (ika-8 ng Hulyo, 2010), Top 10 things you need to know about World Cup star Paul the Psychic Octopus, mirrorfootball.co.uk, nakuha noong ika-9 ng Hulyo, 2010 {{citation}}: Check date values in: |accessdate= at |date= (tulong)
  5. "2010 World Cup: 'Paolo' the octopus ends with 100% record - ESPN Soccernet". Soccernet.espn.go.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-05-01. Nakuha noong 2010-07-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Ruf, Cory (ika-8 ng Hulyo, 2010), PETA demands Paul, the World Cup-predicting octopus, be set free, news.nationalpost.com, nakuha noong ika-9 ng Hulyo, 2010 {{citation}}: Check date values in: |accessdate= at |date= (tulong)
  7. bieten 30.000 Euro Ablösesumme für "Pulpo Paul" Naka-arkibo 2020-09-26 sa Wayback Machine. FTD 10.07.2010
  8. Kraken-Orakel vs. Propheten-Papagei FR online nach einer DPA Meldung, 8.7.2010
  9. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-07-11. Nakuha noong 2010-07-13.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "El pulpo Paul se jubiló invicto y morirá antes de la Eurocopa 2012". Cooperativa.cl. Nakuha noong 2010-07-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Paul the octopus chooses Spain over Germany". IOL. ika-6 ng Hulyo, 2010. Nakuha noong ika-8 ng Hulyo, 2010. {{cite web}}: Check date values in: |accessdate= at |date= (tulong)
  12. Erskine, Carole (ika-25 ng Hunyo, 2010), "Psychic Octopus to Predict England Result", Sky News, nakuha noong ika-9 ng Hulyo, 2010 {{citation}}: Check date values in: |accessdate= at |date= (tulong)
  13. 13.0 13.1 Shenker, Sarah (ika-9 ng Hulyo, 2010), What are the chances Paul the octopus is right?, BBC News, nakuha noong ika-9 ng Hulyo, 2010 {{citation}}: Check date values in: |accessdate= at |date= (tulong)
  14. 14.0 14.1 Fréour, Pauline (ika-9 ng Hulyo, 2010), "La martingale de Paul le Poulpe passée au crible", Le Figaro (sa wikang Pranses), nakuha noong ika-10 ng Hulyo, 2010 {{citation}}: Check date values in: |accessdate= at |date= (tulong)
  15. "Málaga Hoy - el pulpo 'pepe' también elige a España". Malagahoy.es. Nakuha noong 2010-07-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)