Pedro Gatmaitan

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Si Pedro Gatmaitan ay itinuturing na pinakamagaling na makata ng mga tulang liriko. Ang hindi makakalimutang katipunan ng kanyang mga tula na nalimbag noong 1912 ay ang Tungkos ng Alaala. Siya ang unang nakasulat ng tulang pasalaysay na Kasal.

Ang pagiging makata ni Gatmaitan ay minana niya sa kanyang ama na isang makatang taga-Bulacan. Sa kanyang ama niya natutuhan ang tungkol sa berso.

Ang mga tula niya ay higit na malalalim ang diwa at mapilosopiya.

Si Gatmaitan ang unang gumamit ng lalabing-animin at lalabingwaluhing pantig sa panuluan.

Bukod sa pagiging magaling na makata, naging mamamahayag, reporter at editor din si Gatmaitan ng babasahing Alitaptap.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.