Peminismo

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Pagtipun-tipunin sa Dhaka, Bangladesh para sa Internasyunal na Araw ng mga Kababaihan noong 8 Marso 2005.

Ang feminismo ay isang paniniwala na kailangang may patas na pampolitika, panlipunan, sekswal, pangkaisipan at ekonomikong karapatan ang mga kababaihan sa kalalakihan. Napapaloob dito ang iba't ibang mga kilusan, hinuha, at mga pilosopiya, at lahat ng may kinalaman sa mga usapin sa pagkakaiba ng kasarian, na nagtataguyod sa pagkapantay-pantay para sa mga kababaihan at ang kapanya para karapatan at interes ng mga kababaihan.[1][2][3][4][5] Sang-ayon sa ilan, nahahati ang kasaysayan ng peminismo sa tatlong yugto.[4][6] Nagsimula ang unang yugto noong ika-19 siglo at unang bahagi ng ika-20 siglo, noong dekada 1960 hanggang dekada 1970 ang ikalawang yugto, at nagpapatuloy ang ikatlong yugto mula dekada 1990 hanggang sa kasalukuyan.[7]

Mga kahulugan[baguhin]

Kaugnay ng mga feminista o makababae (makapangkababaihan), tumutukoy ang feminismo sa simulaing naghahangad ng pantay o parehas na karapatan para sa mga babae.[8] Ito rin ang pagtangkilik o kilusang tumatangkilik ng mga karapatan ng mga kababaihan.[9]

Kasaysayan[baguhin]

Hinati ng mga feminista at mga iskolar ang kasaysayan ng kilusan sa tatlo. Ang una ay tumutukoy sa mga kilusan ng mga kababaihan na bumoto noong ikalabinsiyam at unang bahagi ng ikadalawampung siglo. Ang ikalawa ay tumutukoy sa mga ideya at aksiyong may kaugnayan sa kilusan ng mga kababaihanng kalayaan simula noon dekada sisenta (na nagkampanya para sa legal at panlipunang pagkakapantay-pantay para sa mgakababaihan). Ang ikatlo ay tumutukoy sa pagpapatuloy at reaksiyon sa malinaw na pagkabigo ng ikalawang kilusan ng peminismo simula sa dekada nobenta.

Mga sanggunian[baguhin]

  1. Cornell, Drucilla (1998). At the heart of freedom: feminism, sex, and equality. Princeton, N.J.: Princeton University Press. ISBN 978-0-691-02896-5. 
  2. Humm, Maggie (1992). Modern feminisms: Political, Literary, Cultural. New York: Columbia University Press. ISBN 0-231-08072-7. 
  3. Collins Dictionary and Thesaurus. London: Collins. 2006. ISBN 0-00-722405-2. 
  4. 4.0 4.1 Humm, Maggie (1990). The dictionary of feminist theory. Columbus: Ohio State University Press. pp. 278. ISBN 0-8142-0506-2. 
  5. Agnes, Michael (2007). Webster's New World College Dictionary. John Wiley & Sons. ISBN 0-7645-7125-7. 
  6. Walker, Rebecca (1992), "Becoming the Third Wave", Ms (January/February, 1992): 39–41 
  7. Krolokke, Charlotte; Anne Scott Sorensen (2005). "Three Waves of Feminism: From Suffragettes to Grrls". Gender Communication Theories and Analyses:From Silence to Performance. Sage. pp. 24. ISBN 0761929185. 
  8. Gaboy, Luciano L.. "Feminism, feminismo". Gabby's Dictionary, Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  9. "Feminism". Hammond Quick & Easy Notebook Reference Atlas & Webster Dictionary. Hammond, ISBN 0843709227., pahina 56.