Philippine Airlines

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Philippine Airlines
Philippine Airlines logo.png
IATA
PR
ICAO
PAL
Callsign
PHILIPPINE
Itinatag 15 Marso 1941
Mga pusod
Programang frequent flyer Mabuhay Miles
Silid-pahingaang pangkasapi Mabuhay Lounge
Mga sukursal Air Philippines
Fleet size 39[1] (+24 na order, +2 upahang order)
Destinations 48
Sawikain ng kompanya
  • It's about experience.
  • Clearly No. 1
Pinagmulan ng kompanya PAL Holdings, Inc.
Himpilan Lungsod ng Pasay, Pilipinas
Mga mahahalagang tao
Websayt http://www.philippineairlines.com

Ang Philippine Airlines, kilala din bilang PAL, ay ang pambansang tagapaglipad sa himpapawid ng Pilipinas. Ito ay ang unang tagapaglipad sa Asya at ang pinakamatagal na sa industriya. Ang tirahan nito ay nasa Lungsod ng Makati. Ang Philippine Airlines ay lumilipad sa mga lokal at pang-ibayong dagat na mga destinasyon. Sa taong 2005, ito ay lumilipad sa 25 na lugar sa Pilipinas at tatlumpu't-isang lugar sa mga iba't-ibang bansa. Ang pinakapusod ng operasyon nito ay nasa Paliparang Pandaigdig ng Ninoy Aquino sa lungsod ng Parañaque. Ang mga pangunahing kakumpetisyon nito ay ang China Airlines at Japan Airlines.

Kasaysayan[baguhin]

Ang Philippine Airlines ay naitatag noong 15 Pebrero 1941, dahilan upang ito ay hirangin bilang pinakamatandang tagapagpalipad sa Asya na gamit pa din ang kasalukuyang pangalan. Ang PAL ay binuo ng grupo ng mga negosyante sa pamumuno ni Andres Soriano. Ang pamumuhunan ng pamahalaan ng Setyembre ng taong din iyon ang nagbigay daan sa pagnanasyonalisa nito.

Nagsimula ang operasyon ng PAL ng Marso 1941 gamit ang isang Beech 18 na eroplano na lumilipad ng isang beses araw-araw sa pagitan ng Maynila at Baguio. Nahinto ang operasyon ng PAL ng sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig na tumagal sa Pilipinas mula 1942 hanggang 1945. Muling nanumbalik sa operasyon ang PAL noong Pebrero 1946 at lumilipad sa may 15 domestikong destinasyon. Ang fleet nito ay binubuo ng limang Douglas DC-3. Nang Hulyo ng taong din iyon, inuwi ng PAL ang may 40 Amerikanong tagapaglingkod sa California gamit ang isang inalkila na Douglas DC-4, kaya't ang PAL ang unang Asyanong tagapagpalipad na tinawid ang Karagatang Pasipiko. Nang Disyembre din ng taong iyon ay nagsimula ang regular na serbisyo sa San Francisco.

Sinimulan ng PAL ang serbisyo patungo Hong Kong, Bangkok at Taipei gamit ang mga Convair 340 noong Abril 1953, pagkalipas ng isang taon ang PAL ay pumasok na sa pagagamit ng jet kasama ang DC-9 Jetliner. Pinasa ng Gobyerno ang responsibilidad bilang pinuno ng PAL sa kay Benigno Toda, Jr., noong 1965, na naging bahagi na ng PAL noong pang 1962. Pinatuloy ng PAL ang serbisyo sa Cebu, Bacolod at Dabaw gamit ang BAC1-11 noong 1966 at pagsapit ng 1974 ang PAL ay pumasok na sa pagagamit ng mga widebody aircrafts gamit ang DC-10. Sinali ng PAL ang B727 trijet sa kanilang plota sa Hulyo, 1979 at pagsapit ng Desyembre ay nakuha na nila ang kanilang unang B747-200 at pinatuloy ang serbisyo sa Singapurr gamit ang kanilang bagong A300-B4. Nobyembre 1982 ay pinasok na ng PAL ang merkado ng Europa sa simula ng mga lipad pa puntang Zurich at Paris. Sinimulan ng PAL ang modernization ng kanilang domestikong plota sa pag-sali ng bagong Shorts SD360 turboprop noong 1987. 1988 nang bumili ang PAL ng Fokker 50 turboprop. Agosto 1989 nang sumali ang B737-300 ang plota ng PAL.

Mga Destinasyon[baguhin]

Philippine Airlines Internasyonal na mga Rota

Ang Philippine Airlines ay lumilipad mula sa kanilang hub sa Maynila at Cebu. Ang mayorya ng mga lipad ay nago-opera mula sa Maynila. Sa mga biyaheng domestic, ang PAL ay lumilipad sa mga mayoryang mga lungsod ng Pilipinas mula sa Maynila at Cebu habang pang-internasyonal, ito'y lumilipad mula sa Maynila pa puntang Estados Unidos, Australya at Asya-Pasipiko, kung saan may malaking populasyon ng mga manggagawang mga Pilipino.

Sa kasalakuyan ang PAL ay nago-opera ng mga rotang hindi nagmumula sa hub tulad ng Singapore - Jakarta at Sydney - Melbourne. Noong dati ang PAL ay nagoopera ng mga lipad na hindi nagmumula sa hub, pati na rin mga non-stop na mga lipad sa Europa at mga Domestikong mga operasyon pero'y hindi na ipinatuloy pag-dating ng Krisis Pinansiyal sa Asya noong 1999. Ang mga lipad paputang Gitnang Silangan rin ay kinansela dahil sa Krisis Pinansiyal sa Asya; subalit ito'y kinansela rin dahil sa mahal ng presyo ng petrolyo at matinding kompetensiya mula sa mga tagapaglipad ng Gitnang Silangan. Hindi ipinatuloy ng PAL ang kanilang serbisyo papuntang Riyadh, ang huling destinasyon nila sa Gitnang Silangan, subalit hanggang ngayon ang Tagapaglipad ay nag-co-codeshare sa ilang mga tagapaglipad sa rehiyon na iyon.

Ang PAL ay pinakitaan ng mga interest sa pagtaas ng kanilang mga lipad papuntang Kanada katulad ng Toronto at Tsina at pagkilala ng mga lipad papuntang Nepal, Kambodiya, Myanmar at New Zealand, at pagpapalawak ng kanilang pagkilala sa Estados Unidos sa pagpatuloy ng serbisyo sa Saipan at San Diego pati na rin ibalik ang mga serbisyo papuntang Chicago at Lungsod ng New York, at pagbabalik serbisyo sa Indiya at Europa, pati na rin ang Gitnang Silangan.

Nitong 2013, inihayag ng PAL ang muling pagbubukas ng ruta sa Gitnang Silangan at muling inilunsad ang mga ruta tulad ng Abu Dhabi sa United Arab Emirates, Dammam at Riyadh sa Saudi Arabia, at Doha sa Qatar. Ito ay pangungunahan ng bagong Airbus A330-300. Balak din ng PAL na bumiyahe ng mga bansang Kuweit at Oman.

Inilunsad din ng PAL ang mga bagong ruta sa Australya tulad ng Brisbane at Perth (sa pamamagitan ng Darwin) gamit ang Airbus A320. Ngunit noong Setyembre 2013, inihinto ng PAL ang biyaheng Perth.

Noong 12 Hulyo 2013, inilais na ng European Union ang pagbabawal sa PAL na makabiyahe sa 28 bansang miyembro ng EU. Kasunod ng pag-aalis ng pagpapabawal ng EU, balak ng PAL na makapaglunsad ng mga ruta sa Europa tulad ng London, Paris, Amsterdam, Frankfurt, Roma, Milano, at Madrid. Balak din nitong bumiyahe ng Mosku at Istambul.

Nitong Septiyembre 15, 2013, iniulat na ang PAL ay lilipad patungong London simula 4 Nobyembre 2013. Ito ay pangungunahan ng Boeing 777-300ER gamit ang Paliparan ng Heathrow.

Asya[baguhin]

Reference: [3]

References: [3],[4]

Europe[baguhin]

Hilagang Amerika[baguhin]

Reference: [3]

Oceania[baguhin]

Reference: [3]

Inalis na mga destinasyon[baguhin]

  • Africa
    • Egypt - Cairo[5]
  • Asia
    • East Asia
      • China - Chengdu[6], Chongqing[6], Hangzhou
      • Taiwan - Kaohsiung[5]
      • Japan - Naha[7]
    • South Asia
      • India - Ahmedabad, Calcutta[8], Chennai, Delhi
      • Pakistan - Karachi[8]
    • Southeast Asia
      • Brunei - Bandar Seri Begawan[9]
      • Malaysia - Kota Kinabalu
      • Philippines - Bacolod, Baguio[7], Basco, Bislig, Bongao, Butuan, Cagayan de Oro, Calapan, Catarman, Cauayan, Cotabato, Daet, Dipolog, Dumaguete, Gasan, General Santos, Guiuan, Hilongos, Iligan, Iloilo, Ipil, Jolo, Laoag, Legazpi, Mamburao, Masbate City, Mati, Naga[10], Ozamis, Pagadian, Puerto Prinsesa, Roxas City, San Fernando (La Union), San Jose (Antique), San Jose (Occidental Mindoro), Siocon, Surallah, Tacloban, Tagbilaran, Tuguegarao[11], Virac, Zamboanga
      • Thailand - Chiang Mai
    • Southwest Asia
      • Bahrain
      • Israel - Lydda [8]
      • Kuwait
      • Saudi Arabia - Jeddah
      • United Arab Emirates - Dubai[12]
  • Europe
    • France - Paris
    • Germany - Frankfurt[7]
    • Greece - Athens[13]
    • Italy - Rome
    • Netherlands - Amsterdam
    • Spain - Madrid[8]
    • Switzerland - Zürich[7]
  • North America
    • United States - Chicago, Las Vegas, Newark[14]
  • Oceania
    • Australia - Perth
    • Papua New Guinea - Port Moresby
    • United States Minor Outlying Islands - Wake Island[8]

Mga Sanggunian[baguhin]