Pio Valenzuela

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Pío Valenzuela
Pio Valenzuela

Gobernador ng Bulacan
Panunungkulan
1921 – 1925
Sinundan si Juan Carlos
Sinundan ni Restituto Castro

Ehekutibong Panlalawigan ng Bulacan
Panunungkulan
1902 – 1919

Pangulo ng Dibisyon ng Militar ng Munisipalidad ng Polo
Panunungkulan
1902 – 1919

Pangulo ng Munisipal ng Polo
Panunungkulan
1899 – 1901
Sinundan si Rufino Valenzuela
Cabeza de barangay (Panahon ng Kastila)
Sinundan ni Nemencio Santiago

Pangkalahatang Manggagamot ng Kataas-taasang, Kagalang-galang Katipunan
Panunungkulan
1895 – 1898

Kapanganakan 11 Hulyo 1869(1869-07-11)
Polo, Bulacan
Kamatayan 6 Abril 1956 (edad 86)
Polo, Bulacan, Pilipinas
Asawa Marciana Castro
Propesyon Doktor ng Medisina
Relihiyon Romano Katoliko

Si Pío Valenzuela (Hulyo 11, 1869–Abril 6, 1956) ay isang doktor, at bayaning Pilipino na isa sa mga pinuno ng Katipunan na lumaban sa mga Kastila noong Panahon ng Himagsikan. Ipinangalan sa kanya ang Lungsod ng Valenzuela na matatagpuan sa hilagang Kalakhang Maynila.

Sinulat niya ang kanyang mga alaala ng Himagsikan noong dekada 1920, ngunit may mga dalubhasa sa kasaysayan ang naging maingat sa kanyang awtobiyograpiya dahil may ilang mga hindi tugma sa kanyang bersiyon ng mga pangyayari, partikular sa pagpulong niya kay José Rizal sa Dapitan noong 1896.

Si Valenzuela ang unang alkalde (rehimeng Amerikano) ng munisipalidad ng Polo (Lungsod ng Valenzuela ngayon) mula 1899 hanggang 1900 bago naging gobernador ng lalawigan ng Bulacan mula 1921 hanggang 1925.


Pilipinas Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.