Piramide ng Ehipto

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Ang tanawin ng mga piramide ng Gisa mula sa talampas papunta sa timog ng kompleks. Mula sa kanan hanggang sa kaliwa ay ang Piramide ni Khufu, Piramide ni Khafre at ang Piramide ni Menkaure. Ang tatlong mas maliliit na mga piramideng nasa harapan ay mga kayariang may kaugnayan sa piramide ni Menkaure.

Ang mga piramide ng Ehipto ay sinaunang mga hugis-piramideng mga kayariang gawa sa bato na nasa Ehipto. Mayroong 138 mga piramideng natagpuan sa Ehipto mula noong 2008.[1][2] Karamihan sa mga ito ang ginawa bilang mga libingan ng mga Paraon ng bansa at ng kanilang mga konsorte noong mga panahon ng Luma at Gitnang Kaharian ng Ehipto.[3][4] [5]

Ang pinakamaagang nakikilalang piramideng Ehipsiyo ay ang Piramide ni Djoser (itinayo noong 2630 BKE–2611 BKE) na itinayo noong Pangatlong dinastiya ng Ehipto. Ang piramideng ito at ang nakapaligid nitong kompleks ay dinisenyo ng arkitektong si Imhotep, at pangkalahatang itinuturing bilang mga pinakamatatandang mga kayariang pambantayog ng mundo na binuo sa pamamagitan ng dinamitang masonriya o mga bato.

Pinakakilala sa mga Piramide ng Ehipto ang mga natagpuan sa Gisa, na nasa paligid-ligid ng Cairo, Ehipto. Ilan sa mga piramide ng Gisa ang ibinibilang sa pinakamalalaking mga istrukturang naitayo.[6]

Ang Piramide ni Khufu sa Gisa ang pinakamalaking piramideng Ehipsiyo. Ito lamang ang isa sa Pitong mga Hiwaga ng Sinaunang Mundo na umiiral pa.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]