Piso ng Pilipinas

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Piso sa Pilipinas)
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Sagisag ng Piso

Ang piso ng Pilipinas ay ang opisyal na pananalapi ng Pilipinas. Nagmula sa salitang Kastila na peso ang piso na nangangahulugang "timbang". Nahati ito sa 100 sentimos. Ang "PHP" ay ang kodigo nito sa ISO 4217.

Ang Pilipinas ay isa mga bansang naging kolonya ng España na gumagamit ng piso bilang kanilang pananalapi, katulad ng Mexico, Colombia at Argentina. Noong Oktubre 2005, ang suplay ng piso ng Pilipinas ay umabot ng 569.2 bilyong piso (halos US$11.5 bilyon).

Ang Piso ng Pilipinas (Ingles: peso; simbol: ₱; kodigo: PHP), ay ang opisyal na salapî ng Pilipinas. Nahahati ito sa 100 sentimo(Sinugbuanong Binisaya: sentabo). Bago pa ang 1967, nang ang Pilipinas ay kolonya pa ng Estados Unidos, ang wikang ginagamit sa perang papel at barya ay nasa Ingles; kayâ “peso” ang ginamit noon. Ngayon na Filipino na ang gamit sa mga perang papel at barya, nagging “piso” na ang pangalan ng salapi ng Pilipinas.

Ang piso ay kadalasang sinusulat sa simbolong “₱”. Ang ibang paraan ay: “PHP”, “PhP”, “Php” o kaya’y simpling “P”. Ang ₱ ay naidagdag sa pamantayang Unicode sa bersiyong 3.2 at itinala sa U+20B1. Ang simbolo maipalalabas sa mga sulat-tala(Ingles: word processor) sa pamamagitan ng pagpindot ng “20B1” at pindutin ang Alt at X nang sabay. Ang simbolong ito ay natatangi sa Pilipinas dahil ang mga bansang gumagamit ng piso tulad ng Mehiko at ang mga iba pang dating sakop ng Espanya sa Amerikang Latin ay gumagamit ng “$”.

Ang mga perang papel at barya ng Pilipinas ay nililimbag at ginagawa sa Bangko Sentral ng Pilipinas sa Lungsod Queson.

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang piso ng Pilipinas, tulad ng dolyar ng Estados Unidos, ay nanggaling sa 8 piraso ng dolyar ng Espanya. Nahahati ito sa 100 sentimo. Noong dekada 60s, ang pangalan ng salapi ay pinalitan ng piso at sentimo.

Bago ang Panahong Kastila[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang pakikipagkalakalan ng mga sinaunang Pilipino sa mga mangangalakal galing sa mga kalapit pulo ay sinasagawa sa pamamagitan ng palitan ng mga bagay. Ang hindi magandang naidudulot ng palitan na ito ay nagbunsod ng paggamit ng ginto bilang sukatan ng palitan.

Salaping papel (Banknotes)[baguhin | baguhin ang batayan]

Kasalukuyang salaping papel na ginagamit sa Pilipinas:

Kasalukuyang salaping papel [1]
Talaksan Halaga Kulay Deskripsiyon Unang Taon
Harap Likod Harap Likod
Php bill 20 front.jpg 20 piso Narangha Manuel L. Quezon Palasyo ng Malacañang 1986
50 piso Pula Sergio Osmeña Pambansang Museo (dating Gusali ng Batasan) 1987
100 piso Purpura Manuel A. Roxas Bangko Sentral ng Pilipinas 1987
200 piso Lunti Diosdado P. Macapagal Ikalawang Rebolusyon sa EDSA 2002
500 piso Dilaw Benigno S. Aquino, Jr. Ang Philippine Unity at ang buhay ni Sen. Ninoy Aquino 1987
1000 piso Bughaw Jose Abad Santos, Hen. Vicente Lim, at Josefa Llanes Escoda Hagdan-hagdang Palayan ng Banawe, Manunggul Jar, at Langgal Hut 1991
For table standards, see the banknote specification table.

(CoBarya ins)[baguhin | baguhin ang batayan]

Kasalukuyang mga baryang ginagamit sa Pilipinas:

Kasalukuyang barya [2]
Talaksan Halaga Dyametro Bigat Komposisyon Gilid Harap Likod Unang Taon
5 sentimo* 15.5 mm 1.9 g Bilog/Payak
(with 4 mm central hole)
"5 SENTIMO", Taon Mga salitang "Bangko Sentral ng Pilipinas" sa gilid
10 sentimo* 17.0 mm 2.5 g Bilog/Reeded "10 SENTIMO", Taon Sagisag ng Bangko Sentral ng Pilipinas
25 sentimo 20.0 mm 3.8 g 65% Tanso
35% Sink
Bilog/Payak "25 SENTIMO", Taon Sagisag ng Bangko Sentral ng Pilipinas 1995
3.6 g 65% Tanso
35% Sink plated steel
2004
1 piso 24.0 mm 6.1 g 75% Tanso
25% nickel
Bilog/Reeded Litrato ni José Rizal, Taon Sagisag ng Bangko Sentral ng Pilipinas 1995
5.35 g nickel plated steel 2004
2 piso Sagisag ng Bangko Sentral ng Pilipinas
5 piso 27.0 mm 7.7 g 70% Tanso
5.5% nickel
24.5% Sink
Bilog/payak
(design bordered by 12-scallop)
Litrato ni Emilio Aguinaldo, Taon Sagisag ng Bangko Sentral ng Pilipinas 1995
10 piso 26.5 mm 8.7 g Ring: 75% Tanso
25% nickel
Center: 92% Tanso
6% aluminum
2% nickel
Bilog/Interrupted milled Mga litrato nina Andres Bonifacio at Apolinario Mabini, Taon Sagisag ng Bangko Sentral ng Pilipinas 2000

Mga Bagong Salapi[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga Generasyong Bagong Salapi
Talaksan Halaga Pangunahing Kulay Deskripsiyon Taon ng Unang Isyu
Tagiliran Baligtarin Tagiliran Baligtarin
New PHP20 Banknote (Obverse).jpg New PHP20 Banknote (Reverse).jpg ₱20 Kahel 2010
New PHP50 Banknote (Obverse).jpg New PHP50 Banknote (Reverse).jpg ₱50 Pula 2010
150px New PHP100 Banknote (Reverse).jpg ₱100 Lila 2010
150px New PHP200 Banknote (Reverse).jpg ₱200 Luntian 2010
New PHP500 Banknote (Obverse).jpg New PHP500 Banknote (Reverse).jpg ₱500 Dilaw 2010
New PHP1000 Banknote (Obverse).jpg New PHP1000 Banknote (Reverse).jpg ₱1000 Bughaw 2010

Kawing panlabas[baguhin | baguhin ang batayan]



Pilipinas Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.