PlayStation 4

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Ang PlayStation 4 o PS4

Ang PlayStation 4 (Hapones: プレイステーション4), kilala rin bilang PS4, ay isang konsol ng larong bidyo. Ito ay nilikha ng kompanyang Sony Computer Entertainment sa bansang Hapon at sumusunod ito sa PlayStation 3. Isa ito sa mga aparato ng ikawalong salinlahi ng mga konsol ng larong bidyo, kasama ng Xbox One ng Microsoft at ng Wii U ng Nintendo.