Plebisito sa pagpapatibay ng Saligang Batas ng Pilipinas, 1987

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Isinagawa ang isang plebisito noong 2 Pebrero 1987 para sa pagpapatibay ng isang bagong Saligang Batas ng Pilipinas. Ang plebisitong ito ay umaayon sa Proklamasyon Blg. 3, na inihayag ni dating Pangulong Corazon Aquino noong 25 Marso 1986 na nagbubuwag sa Tanggapan ng Punong Ministro at sa regular na Batasang Pambansa bilang mga susog sa Saligang Batas ng 1973.

Kasaysayan[baguhin]

Noong 1986, kasunod ng Rebolusyong EDSA ng 1986 na nagpatalsik kay Ferdinand Marcos bilang pangulo ng bansa at kasunod ng kanyang inaugurasyon bilang pangulo, si Corazon Aquino ay nagpahayag ng Prokalamasyon Blg. 3, na nagdedeklara ng pambansang patakaran upang ipatupad ang mga repormang minandato ng mga tao, magprotetka ng kanilang mga pangunahing karapatan, pagtanggap ng isang probisyonal na konstitusyon at pagbibigay ng maayos na salin sa isang pamahalaang nasa ilalim ng bagong konstitusyon. Kalaunan ay nag-isyu si Pangulong Corazon Aquino ng Proklamasyon Bilang 9 na lumilikha ng isang konstitusyon na komisyon (na pinaikling "Con Com") upang ibalangkas ang isang bagong konstitusyon na magpapalit sa 1973 Saligang Batas ng Pilipinas na ipinatupad noong panahong batas militar ng Rehimeng Marcos. Humirang si Aquino ng 50 kasapi sa komisyon. Ang mga kasaping ito ay hinugot mula sa iba't ibang mga karanasan kabilang ang ilang mga dating kongresista, dating hepeng hustisya ng Korte Suprema ng Pilipinas na si Roberto Concepcion, isang obispong Katoliko at direktor ng pelikulang si Lino Brocka. Si Aquino ay sadyang humirang din ng 5 kasapi nito kabilang ang dating Kalihim ng Paggawa na si Blas Ople na dating kaalyado ni Marcos hanggang sa pagpapatalsik dito. Pagkatapos magtipon ang komisyon, hinalal nitong pangulo si Cecilia Muñoz-Palma na umahon bilang pangunahing pigura sa oposisyong laban kay Marcos kasunod ng pagreretiro ni Muñoz-Palma bilang unang babaeng kaugnay (associate) na hustisya ng Korte Suprema ng Pilipinas.

Tinapos ng komisyon ang draptong karta (charter) sa loob ng apat na buwan matapos itong magtipon. Ang ilan sa mga isyu ay mainit na pinagdebatehan sa mga sesyon kabilang ang anyo ng pamahalaan na kukunin, pagbuwag ng parusang kamatayan, ang patuloy na pagpapanatili ng militar na mga base ng Amerika sa Clark at Subic at ang integrasyon ng mga patakarang pang-ekonomika sa konstitusyon. Si Brocka ay lumisan sa komisyon bago ang pagkukumpleto nito at ang dalawa pang ibang mga delegato ay tumutol sa panghuling drapto nito. Nakumpleto ng ConCom ang trabaho nito noong 12 Oktubre 1986 at inihain ang draptong konstitusyon kay Pangulong Corazon Aquino noong 15 Oktubre 1986. Pagkatapos ng yugto ng pambansang pangangampanya ng impormasyon, ang isang plebisito para sa ratipikasyon (pagpapatibay) nito ay isinagawa noong 2 Pebrero 1987. Higit sa 3/4 o 76.37% ng mga botante (17,059,495 botante) ang bumoto ng pabor dito at 22.65% (5,058,714 botante) ang bumoto ng laban sa ratipikasyon nito. Noong 11 Pebrero 1987, ang bagong konstitusyon ay pinroklamang napagtibay at pinatupad. Sa parehong araw, si Corazon Aquino, ang mga iba pang opisyal ng pamahalaan at Pwersang sandatahan ng Pilipinas ay sumumpa ng katapatan sa konstitusyon (saligang-batas).

Kabuuang teksto ng 1987 Saligang Batas ng Pilipinas[baguhin]

Resulta ng plebisito[baguhin]

Plebisito ng Saligang Batas ng Pilipinas, 1987
Pagpipilian Mga boto Persentahe ng kabuuang boto
Referendum passed Oo 17,059,495 76.37%
Hindi 5,058,714 26.65%
Kabuuang mga boto 22,118,209 100.00%